030: Clash of the Cities

134 13 0
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
ONLINE WORLD
Sunday, 7:00 pm

Nandito na kaming sampu sa rooftop, suot na naming lahat ang mga cape namin at handa ng makipag-bakbakan. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako, kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa kakaisip ng pwedeng kakalabasan ng larong to.

"Lunaris!"

Agad naman akong napatingin kay Mystical ng tawagin niya ako. "A-ano yun?" tanong ko.

"Halika na po, pinapapunta na tayo sa gate ng city," wika niya. Agad naman akong sumabay sakanya sa paglalakad, sobrang lutang ko talaga ngayon, hays.

Puno ng cheer ang buong school ng dumaan kami, kumaway-kaway kami sakanila at ngumiti. Pagdating namin sa labas ng school ay agad na naming sinummon ang aming motor at naglakbay papunta sa Mystic Swamp kung saan gaganapin ang event.

Eclipsa is now entering Mystic Swamp!

Agad na bumalik sa maliit na box ang mga motor namin pagkababa namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Agad na bumalik sa maliit na box ang mga motor namin pagkababa namin. Pinagtitinginan kami ng ibang city na nandirito na. As usual, pa-VIP nanaman ang City ng Penumbra. Sabay kaming napatingin sa entrance ng Swamp ng makarinig kami ng mga tunog ng motorsiklo.

Penumbra is now entering Mystic Swamp!

Speaking of the devils, nandito na sila. Nakasunod lang ang tingin namin sakanilang sampu na pinapangunahan ng Dark Demon Gang, lahat sila ay lalaki and the way they walk sobrang angas.

Napatingin naman ako kay Justnobody na dire-diretsong naglalakad, I think babawi talaga sila ngayong event dahil sa pagkatalo nila noong unang Gang Raid. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na mukhang kalmado lang, parang ako lang ata ang kinakabahan dito, peste.

"Okay ka lang?" tanong ni HeyAstray.

Napalunok naman ako, "Ewan ko, kinakabahan talaga ako," sagot ko.

Natawa naman siya, "Loka, ako nga na pinakamahina satin hindi nga kinakabahan, ikaw pa?" biro niya.

Hinampas ko naman ang balikat niya, "Baliw, anong mahina ka diyan?" ani ko at nagtawanan naman kami, kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.

"Hindi ka kinakabahan?" napatingin naman ako kay TheHeiress ng tanungin niya si Bandwagon.

Napatingin naman sakanya si Bandwagon, "Hindi," sagot nito.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now