050: Prom night

125 9 5
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Prom Day
Thursday, 8:00 pm

Nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad samin ng bumaba kami ni Blake sa sasakyan niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko habang ang kabilang kamay ko naman ay nakahawak sa gown ko.

Napapangiti ako sa bawat camera na nakatutok sakin. Red carpet ang dinadaanan namin ngayon, aakalainin mong nasa hollywood kami. Tumigil kaming dalawa sa gitna para magpa-picture.

Agad namang lumabas sa malaking screen ang pictures namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Agad namang lumabas sa malaking screen ang pictures namin. Sumunod naman samin sina Nayee, Astrid, Luan at Bliss. Pumasok na kami ni Blake sa loob ng malaking hall ng MIU.

Hinanap namin ang upuan namin at agad na naupo.

Napakamot ako sa mukha ko kasi hindi ako sanay sa mga make-up kahit light lang ito. Mukhang napansin naman ni Blake ang pangangati ko.

"Hey, are you okay? Namumula ang pisngi mo," nag-aalalang tanong niya.

"Makati yung mukha ko, hindi kasi sanay sa make-up," pag-amin ko.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong niya pa.

"Eh, nakakahiya namang hindi ako pumunta dito ng walang make-up diba?" sagot ko.

"Aish, tara," ani niya at hinatak ako papuntang cr.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ko.

"Come here," wika niya at may kinuha na wet wipes.

Lumapit naman ako sakanya at dahan-dahan niyang pinunasan ang make-up sa mukha ko. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa niya ito.

"Done," ani niya.

Humarap naman ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. "Hindi ba panget?" tanong ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sakanya. "Hey, you're still the most beautiful girl I've met since were kids with or without make-up," he said and smiles.

Ano ba! Bakit sobrang swerte ko sa lalaking to?

Napapikit ako at sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

"Hey," natatawa niyang sabi at pinunasan gamit ng palad niya ang pisnge ko.

"Thank you," ani ko.

Yumuko siya at hinalikan ang noo ko, "I love you Lee, forever,"

ASTRID DOMINGO
Thursday, 9:30 pm

Napangiti ako ng tumutok ang camera sakin. Napatingin ako kay Gabriel na nakaharap sa camera. Bumaling naman ang atensyon ko sa malaking screen ng lumabas ang photos namin.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now