BLISS MONTENEGRO ―𖦹
REAL WORLD
Wednesday, 7:45 amMag-isa akong naglalakad papuntang classroom. Late nanaman ako, ano pa bang bago? Magugulat nalang kayo pag nauna pa ako sa guard nitong school.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may humawak sa balikat ko. Agad ko naman itong nilingon at bumungad sakin ang nagtatakang mukha ni Hux.
"Anong ginagawa mo?" taas-kilay kong tanong.
"Huh, wala naman ah?" inosente niyang sagot.
"Eh, ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
Napatingin naman siya dito at agad na kinuha ang kamay niya, "OA mo naman, fragile ka ba at bawal kang hawakan?" tanong niya.
"Baka madumi yang kamay mo, ayoko lang madumihan tong uniform ko," sagot ko naman.
Umirap naman siya, "Ulol, mabango at malinis tong kamay ko no!" sigaw niya sakin at agad akong inunahan sa paglalakad.
(¬_¬)
Baliw talaga 'yon kahit kailan.
Ewan ko ba at anong nangyari saming dalawa at nag-aaway na kami palagi. Simula ng malaman ko na siya si Coolme sa game e, bawat kita ko sakanya naiirita agad ako. Dahil siguro palagi kaming nag-aaway at hindi nagkakaintindihan sa game.
Pagpasok ko ng classroom ay nagsisimula na ang klase. Buti nalang at yung mabait naming teacher ang nagtuturo kaya hinayaan niya akong pumasok.
"Psst, ba't late ka?" tanong ni Astrid.
"Nagpuyat ako e," sagot ko sabay bunot ng notebook ko sa bag.
Bumuntong-hininga na lamang siya at binaling muli ang atensyon sa teacher naming patuloy sa pagsasalita.
Matapos ng klase namin agad kaming kumain ng lunch sa cafeteria. Aksidente akong napatingin sa grupo nina Hux na papasok ng cafeteria at sakto namang nag-tama ang paningin naming dalawa at sabay na inirapan ang isa't-isa.
( ̄へ ̄)
Loko.
"Ba't wala si Lukas?" out of nowhere na tanong ni Astrid.
"Pake ko," sagot naman ni Nayee at sumubo ng kanin.
"Nakakapanibago naman 'yon," dagdag pa ni Luan.
"Hay, huwag na nating pag-usapan 'yan, kumain nalang tayo," ani naman ni Raine.
Wala ng nagtangkang magsalita dahil doon. Kailangan naming magpakabusog para mamaya sa practice namin paniguradong bugbog sarado nanaman kami mamaya. Pipilitin ko nanaman ang katawan kong sumayaw kahit hindi ko alam kung paano.
____
"Hay, practice nanaman," ani ko.
Nandito kami ngayon sa covered gym kung saan kami nagpa-practice. Wala na kaming klase sa hapon dahil sa Prom.
Napatingin naman ako kay Nayee na naka-upo sa monoblock chair na parang nababalisa at may kung anong iniisip.
"Hoy, ayos ka lang?" tanong ko.
Napatingin naman siya sakin, "Ah, oo ayos lang ako," sagot niya sabay ngiti.
"Talaga?" tanong ko pa.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...