Chapter 39

22 4 1
                                    

Halos patapos na ang araw pero hindi pa rin ako nakakahanap ng malilipatan. I felt more pressure when madam Lanie texted me to remind that the apartment should be cleared tomorrow morning.

Nanginginig na ako sa gutom. Lumabas ako sa apartment ng hindi man lang nag-aalmusal. Hindi ko na rin nagawa pang kumain ng pananghalian dahil kailangan kong manatili sa computer shop para i-edit ang resume ko para sa hinihingi ng isang restaurant na inapplyan ko.

Oo! Kahit hindi na aligned sa kursong natapos ay inapplyan ko na. Nangangailangan ng supervisor ang isang restaurant na nadaanan ko at sa tingin ko’y pasok naman ako sa qualifications na hinahanap nila.

“Gutom na gutom na ‘ko,” sambit ko sa sarili.

Naglalakad ako pauwi ng apartment. Marami akong nadaanang makakainan ngunit napagpasyahan kong sa bahay na lang magluto at kumain. Mas mapapagastos kasi ako kung kakain ako sa labas. Tyaka may nirentahan akong truck na maghahakot ng mga gamit ko. Malaki rin ang renta. Mabuti na lang at 25 percent down payment pa lang ang hiningi nila ngayong araw dahil wala akong dalang ganoon kalaking pera.

Nag-iisip ako kung anong tamang gawin habang nagluluto ng makakain. Kailangan ko ng lumipat. Lunes na bukas. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Kumain na muna ako, naligo at nagpalit ng damit pangtulog bago pinagpatuloy ang pag-iisip. Nakaempake na lahat ng gamit ko. Hahakutin na lang ang mga ito pero ang problema ko ay kung saan ako lilipat.

“Uuwi na lang ata ako sa amin,” wika ko.

Sa tingin ko’y iyon ang pinakatamang gawin sa ngayon. Nandito ang mga inapplyan kong trabaho pero pwede naman siguro akong maghanap ng mapapasukan doon? Pero halos lahat ng naroong posible kong applyan ay kung hindi pagmamay-ari ng mga Piemonte, pagmamay-ari naman ng mga Feliciano, ang pamilya ni Einah.

Gulong-gulo ang isip ko. Wala na akong ibang choice. Uuwi ako sa amin para may paglagakan ako ng mga gamit at kung may tumawag na sa akin sa mga inapplyan ko rito ay babalik ako rito at uupa na lang ng bedspace since iyon naman ang available.

Tumunog ang phone ko. Binuksan ko iyon at nakita ang magkakasunod na chats ni Kent. Hindi kami nagkausap kanina dahil sa dami ng ginagawa namin pareho pero panay naman ang chat niya. Halos hindi ko lang nareplyan dahil sa dami ng inisip at pinuntahan ko kanina.

From Kent Piemonte

Nasa school na ‘ko.

Done with my class. How’s your weekend?

Hey! You’re not replying. Busy?

Nakapagfile ka na ba ng one-week leave mo? Did they approve?

Please tell me they approved your leave.

Are you busy, baby? It’s weekend.

Baby?

Hindi ko pa nakwento sa kanyang naterminate ang kontrata ko sa BMA at hindi ko alam kung paano ko ikukwento iyon o dapat ko pa nga bang ikwento. Malaki ang hinala kong may kinalaman si tita Karina sa pagkakaterminate ko. At kung sakaling mapatunayan ko iyon, hindi ko alam kung paano ko pa siya titignan at kakausapin kung magkaharap man ulit kami.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon