Chapter 29

30 5 7
                                    

Our trip to Vigan was splendid so far. I was enjoying this whole trip with him. I missed this. Yung walang issues kaming inaalala, masaya lang, tulad noong mga bata pa lang kami.

The hotel we checked in is surrounded by shops, eateries, and heritage properties. It's also just a 5-minute walk from the Plaza Salcedo's Dancing Fountain. It is an excellent location for sightseeing, dining and getting around.

We spent our days until before New Year roaming around the city and even some places outside. We visited Calle Crisologo, Crisologo Museum, and National Museum of the Philippines along Burgos Street. We enjoyed the visit kasi parang dinala lang kami sa sinaunang panahon ng mga lugar na 'to. We also visited one of the museums in the complex. It is Padre Burgos' house which the locals call Bahay na Bato.

We also went to Bantay Church Bell Tower. We climbed a winding staircase to get to the top of the brick structure. Sumakit nga ang mga paa ko nung time na yun. Kent even suggested to give me a piggy-back ride but I refused. Siya naman ang mahihirapan kapag pumayag ako. But of course, I miss that. He used to give me piggy-back ride when we were in high school, noon lang kasi lumaki ang katawan niya. Pero nung elementary kami, ako ang nagpipiggy-back ride sa kanya.

We also went to Pagburnayan Jar Factory. We experienced pottery making first hand. We also explored Plaza Burgos. Kumain kami roon ng best-selling empanada nila.

Parang bumalik naman kami sa pagkabata nang bumisita kami sa Baluarte Resort and Mini Zoo. Nagkaroon kami ng short photoshoot dahil sa Jurassic Park version ng lugar. Mayroon doong make-believe life-size dinosaurs, magandang background para sa photoshoot. Puro kami tawa ni Kent noong naroon kami dahil sa mga kakaiba at parang tangang poses na ginawa namin kasama ang dinosaurs.

Nakapagzipline din kami sa Ilocos Sur Adventure Zone. Parang wala ng takot akong sumakay ng zipline dahil sampung beses namang mas malala ang experience ko sa The Plunge ng Bohol Danao Adventure.

"Wala kang takot sa zipline, ah. Unafraid of the heights anymore?" Kent asked. We just finished riding the zipline.

"Walang-wala 'yan compared dun sa pinaexperience sa akin ni Marcus sa Bohol. Yung the plunge? Grabe yun, bes! Akala ko nga mamamatay na 'ko nun pero after nung experience, sobrang fulfilling!" pagkukwento ko.

"You enjoyed your trip with Marcus, huh?" he asked. Sarcasm laced his voice.

Bumaling ako sa kanya at nakita kong madilim na ang kanyang mukha. He also looked irritated.

Tumango ako. "Oo naman. Kahit ilang araw lang yun, masaya naman ang naging experience namin," sagot ko. Kung hindi mo ko inindian e di ikaw sana ang kasama kong nag-enjoy.

Umismid siya. Umaattitude na naman ba 'to? Hindi ko na lang pinansin iyon.

We watched the dancing fountain show at Plaza Salcedo at night. Dalawang gabi naming binalikan iyon actually dahil ang ganda. It looks like a stage of dancing lights and we really enjoyed it for free. It was fun because the fountain area got jam-packed with tourists who came to witness a spectacular show of brighter laser lights that illuminate the square. The dancing fountain was magnificent because it was comparable to those you might see abroad.

Hindi rin namin pinalampas ang twin bridge ng Ilocos Sur. We took some pictures there. It became more wonderful because of Abra mountains on the background.

Syempre, we also did the best part of this escapade which is none other than exploring all the mouth-watering food that the place has to offer. Parang tumaba nga ako dahil puro kami kain. Kahit longganisa nga hindi namin pinalampas na tikman.

"Grabe! Busog na busog ako," sabi ko. Kalalabas lang namin sa Kuboville.

Pasado alas dose na ng napagtripan naming kumain sa labas at dito kami dinala ng mga paa namin. Bente-kwatro oras na bukas ang restaurant at nagsi-serve sila ng Ilocano dishes kaya solved na solved kami ni Kent.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon