Chapter 10

33 5 5
                                    

Kinabukasan, ramdam ko ang hapdi ng mga mata at sakit ng ulo ko dahil literal na wala akong tulog. Sino ba naman kasi ang makakatulog matapos ang nangyari kagabi? Hindi ko inasahan yun! Never!


 

Nang makalabas si Kent ng kwarto ko kagabi, tyaka lang ako nakahinga. Ilang segundo ba ang pinigil ko sa aking paghinga nang maglapat ang mga labi namin? Hindi ko alam! My mind was clouded and my heart was pounding really hard last night. Actually hanggang ngayon, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. Napapikit ako habang dinadama ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman ito ang first kiss namin ah? Diba hinalikan ko siya nung gabing nagclub kami?

Napatili ako ng maisip ko yung ginawa ko nang gabing yun. Akala ko makakalimutan ko na pero heto at mas malinaw pa sa mga mata ko yung alaala!

Binuksan ko ang mga mata ko at hinawakan ang mga labi ko.

Ang lambot talaga ng mga labi niya. Napangiti ako sa naisip.

Sinabunutan ko ang aking sarili pagkatapos ng ilang sandaling pagbabalik tanaw sa mga nangyari.

Juice ko! Nababaliw na ‘ko. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili! Huminga ako ng malalim. Kailangan kong isipin na parang walang nangyari kagabi! Nasa kabilang kwarto lang si Kent. Hindi ko siya maiiwasan. Magpapanggap akong wala akong alam. Tama! Wala akong alam. Tulog na tulog ako kagabi!

‘Ano bang nangyari kagabi?’

Tumingin ako sa digital clock na nasa study table ko sa kwarto. Pasado alas singko na.

Kahit hilo dahil walang tulog, pinilit kong umalis sa kama at naligo. Dahil Martes ngayon, hindi kami magsusuot ng uniform. Every Monday, Wednesday and Friday lang kami nagsusuot ng uniform. Tuesday and Thursday ay depende sa freewill namin basta huwag lang daw swimsuit at long gown.

Nagtapis lang muna ako ng tuwalya at lumabas ng banyo. Hindi ako pwedeng magsuot ng paborito kong attire ngayon dahil baka tumirik na naman ang mga mata nina Ayla at Ria sa pag-irap at tuluyan na nila akong sabunutan.

Binuksan ko ang paper bags na inuwi ko kahapon. Hindi ko pa naaayos ang mga iyon dahil sa dami ng kailangang gawin. Mamaya na lang siguro pagkatapos ng klase tutal hanggang alas dos y media lang ang klase ko.

Naghanap ako ng maisusuot. May ilang denim jeans dun at puro ripped pa. Okay naman sanang magsuot ng jeans kaso kung hindi cropped top, spaghetti strap at tube tops ang andun. Naku! Hindi ko afford ang ganoong suotin!

Naghanap ako sa mga dress. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa dahil puro mini dress at sleeveless ang mga andun!

Inisip kong isuot na lang yung usual attire ko pero ngayon pa lang ay naririnig ko na ang matinis na boses ni Ria at ang walang habas at mapanglait na dila ni Ayla!

Inisa-isa ko ulit ang mga dress. Mayroon akong nakitang floral puff sleeve dress na nasa four inches above the knee ang haba. Yun ata ang pinakamodest na damit sa mga binigay ni Ria kaya napagpasyahan kong yun na lang ang isuot. Okay na siguro ‘to!

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon