Chapter 13

29 4 3
                                    

Tahimik lang ang naging byahe namin ni Marcus pabalik sa eskwelahan. He tried to open some topics pero tipid ko lang siyang sinasagot kaya namamatay din agad ang usapan. I felt bad for him kaso wala talaga ako sa mood dahil sa nangyari kanina.


 

Hinatid ako ni Marcus hanggang sa room ko. He just gave me a comforting smile before he left. Past one na rin kasi at pareho pa kaming may klase. Wala pa ang professor nang pumasok ako sa room. Ngiting-ngiti naman ang mga kaibigan kong sumalubong sa’kin.

“How’s the date?” Ayla asked. She’s giggling with Ria.

“It wasn’t a date,” sagot ko.

“It is!” sabay na sagot nina Ayla at Ria.

Napairap ako sa kawalan. Naalala ko kasi ang nangyari kanina. Hindi ko mapigilang hindi masaktan. Nakakainis! Nasaktan talaga ako nang makita kong magkasama sina Kent at Einah.

“Jane, may nangyari ba kanina?” tanong ni ate Jem. She sounded worried.

Umiling agad ako. “Wala naman ate. Kumain lang kami ni Marcus,” sagot ko.

“Then? Aside from that, what else did you do? What did he say?” Ria butted in. Nangungulit pa rin.

Nagtuloy-tuloy ako sa pag-upo sa armchair. Nagpasalamat ako na dumating na ang professor. Nanahimik na ang dalawa sa tabi ko habang mariin pa rin ang titig ni ate Jem na nasa gawing kanan ko. Bumaling ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at mariin itong pinisil. Siniko naman ako ni Ayla na nasa gawing kaliwa ko at bumulong.

“Magkwento ka mamaya!” mariing bulong niya. Tumango na lang ako kahit wala naman akong maikukwento.

Ano namang ikukwento ko? Kumain lang naman talaga kami ni Marcus. Ikukwento ko rin bang kumanta siya? Pero baka ma-misinterpret ng mga kaibigan ko ‘yon, most especially sina Ria at Ayla. OA pa naman ‘tong dalawang ‘to. Okay sana kung kay ate Jem lang. Pero alam ko namang hindi ako palalampasin ng mga kaibigan ko.

Buong akala namin ay mabilis lang tatapusin ng professor ang klase. Pero inubos niya ang dalawang oras naming klase dahil sa case study na ibinigay niya at kailangan naming ipasa iyon before matapos ang klase.

Wala kaming nagawa kundi tumalima. Puro reklamo ang narinig ko mula sa mga kaklase pero pabor sa’kin ‘to para hindi ako makulit ng mga kaibigan ko.

Nauna ako sa pagtapos kaya agad ko na iyong ipinasa sa professor. Pumayag naman siyang lumabas na ‘ko kaya nagsabi ako sa mga kaibigan kong mauna na akong lumabas dahil sasadyain ko pa ang isa naming professor. Tinanguan lang ako ni ate Jem samantalang ang dalawa’y ayaw talaga akong tigilan.

“Huwag ka pang uuwi, ha! Magkukwento ka pa!” ani Ayla.

“Oo na,” sabi ko at umalis na ng classroom.

Dumiretso ako sa faculty room. Mabuti na lang at andoon si Dr. Bautista. Tahimik kong ipinasa ang report ko at pumirma sa receiving list ni professor. Lumabas ako ng office at dumiretsong cafeteria para bumili na muna ng maiinom habang inaantay ang mga kaibigan kong makalabas ng room.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon