Chapter 40

36 3 0
                                    

Marcus picked me up in his condo then we ate breakfast together before we went to IFC building. Nasa 14th floor ang kompanya niya. Nang makarating kami ay pulos cubicle ang nakita ko sa bungad. Panay ang bati ng mga empleyado niya sa kanya at maagap namang tinugon ni Marcus ang lahat ng mga bumati sa kanya.

Ang bait namang boss nito.

May mga napatingin naman sa gawi ko kaya nginitian ko sila para naman hindi nila sabihing snob ako e samantalang kabago-bago ko pa lang. Tyaka kailangan kong makisama sa kanilang lahat dahil aside sa bago ako, sila na ang makakasama ko sa araw-araw na trabaho simula ngayong araw.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong nagsisink in sa akin iyong ideyang may trabaho na ulit ako. Hindi pa rin malupit sa akin ang mundo dahil despite sa mga nagyari sa akin nitong mga nakaraan, agad na nagprovide ang Diyos ng taong tutulong sa’kin para magkaroon ng trabaho at makahanap ng pera pangtustos sa araw-araw na gastusin.

Ang opisina ni Marcus ay nasa pinakadulo ng floor. Bago makapasok sa opisina niya ay mayroong table doon na hinuha ko’y para sa sekretarya niya. Wala roon ang sekretarya niya pero nakaswitch-on ang computer at may folders sa mesa.

Saan kaya ako mananatili rito? Baka doon ako sa isa sa mga cubicle? Pero wala akong nakitang bakante.

“Tim,” sambit ni Marcus.

Bumaling ako sa tinitingnan niya at nakita ko ang isang lalaking may makapal at pabilog na eyeglasses. Mukha siyang si Harry Potter. Maputi ito at matangkad din. Parang magkasing-tangkad lang sila ni Marcus ngunit medyo payat ito, unlike si Marcus na in place ang muscles.

“Good morning, sir!” bati noong si Tim. Mukhang masayahin ang personality niya. Sa tingin ko’y hindi ako mahihirapang kaibiganin siya.

“Good morning! This is Jane, my other secretary,” pakilala ni Marcus sa’kin.

Kumaway ako kay Tim at ngumiti.

“Hello, sir. I’m Jane Faith Aquino. It’s nice to meet you, sir!” masayang bati ko kay sir Tim at inabot ang aking kamay para makipaghand shake sa kanya.

Ngumiti rin siya at nakipagkamay sa’kin.

“Timothy Flores. Drop the sir. Tim na lang,” aniya.

Tumango ako, hindi pa rin mapuknat ang ngiti.

“Okay, Tim.”

Binalik niya kay Marcus ang kanyang tingin. “Anyway sir, you have a business meeting with Mr. Hernandez at 10A.M.,” aniya sa seryosong tinig.

Hindi ko maiwasang mamangha. Kahit kay Marcus na gwapong-gwapo sa suot na white dress shirt na nakalilis ang manggas hanggang siko, black slacks at leather shoes tas ang bango pa niya. Napakaprofessional nila. Kailangan ganito rin ako umakto rito. Iba kasi ang approach ng isang preschool teacher sa loob ng classroom at hindi ko iyon magagamit dito. I need to act as professional as I could.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon