Chapter 4

53 6 10
                                    

Ang ganda ng NIC! Pakshet!

Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakapasok ako sa school na ‘to, but Piemonte family made it so real!

“Are you sure about the course you will be taking?” tanong ni Kent sa’kin. Magkasama kami ngayon dito sa NIC para mag-enrol.

Gusto sana ni tita Karina na ang secretary niyang si Candice ang mag-asikaso ng enrolment namin ni Kent, pero gusto naming maexperience ni Kent kaya wala na ring nagawa si tita.

“Oo naman, bes. Pinag-isipan ko ng bongga yun.”

Yes! Pinag-isipan ko talaga. Bachelor of Early Childhoon Education ang kukunin kong course. Gusto sana ni Kent na same kami ng course na kukunin pero wala naman akong interest sa business. Mas nakikita ko pa ang sarili kong nagtuturo ng mga bata.

“Alright! Tara na sa registrar’s office,” aniya.

Naging mabilis ang proseso ng enrolment dahil automated lahat. Kunsabagay, sa mahal ba naman ng babayarin dito tas pipila ka pa ng pagkahaba-haba para mag-enrol, maling-mali yun! We’re living in a tech-savvy world so kailangan automated na ang lahat para mapadali ang mga bagay-bagay.

After naming mag-enrol ay dumiretso kami sa isang coffee shop dito sa loob ng campus. Sobrang lawak nitong school. Akalain mong may mga coffee shop, fast food chain and resto dito sa loob! Mas mukha tuloy business city ang NIC. Mayroon ding malalaking pool, track and field oval, basketball court at malawak na tennis court. Ang mga building ng bawat department ay nagtatayugan. Ewan ko lang kung mahagip pa namin ni Kent and isa’t isa dito pagstart ng klase. Malayo kasi ang building ng business administration sa education.

May mga kilalang modelong dito rin nag-aaral. Para akong na-star struck! Tas yung students na mag-eenrol ay mga mukha talagang big time. Ang gaganda, ang gagwapo at ang kikinis. Para silang mga kinuha sa magazines.

Feeling ko tuloy makakahanap ako ng gwapong jojowain dito. Mabuti na rin yun at nang makamove on ako sa nararamdaman ko kay Kent.

“Samahan mo kong mag-ayos ng gamit sa condo,” sabi ni Kent pagkatapos niyang ilagay ang frappe sa harap ko.

           

Binilhan siya ng parents niya ng condo unit malapit dito sa NIC. Magpapakaindependent na raw kasi siya.

Samahan ko kaya siya sa condo niya para hindi siya malungkot? Natawa naman ako sa naisip.

           

“Nalipat mo na ba lahat ng gamit mo?” tanong ko.

“Nope. Yung mga kailangan ko lang ang dinala ko. Uuwi pa rin naman ako sa bahay as soon as I have plenty of time.”

“Uh, okay. Naka-enrol naman na tayo so diretso na lang tayo sa condo mo after dito.”

“Okay.”

           

“May laman na ba cupboard mo dun?”

           

“Oo nga pala. I haven’t done grocery yet. So wala akong stocks dun. Kahit essentials wala.”

“Mag-grocery na muna kaya tayo bago tayo pumuntang condo mo?”

“Good idea, bes!”

           

Nag-grocery nga kami ni Kent after namin sa coffee shop.

Ako ang kumukuha ng mga kakailanganin niya habang siya naman ang nagtutulak ng push cart. Umabot din ng 20 thousand yung nabili namin pero parang wala lang sa kanya yung binayaran. Pagsakay namin sa kotse niya ay tsaka ko lang sinabi ang nasa isip ko.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon