Chapter 12

28 5 0
                                    

Marcus brought me to a fine dining restaurant. It's 20 minutes away from our school so I made a mental calculation concerning our time. May klase pa kasi kami pareho ng ala-una at alas-onse y media na. Mahaba-haba na rin siguro ang isang oras para sa lunch namin.

Pagpasok namin sa resto, hindi ko mapigilang mamangha sa exteriors ng lugar. Animo’y formal party ang ayos at may live singer pa. Ang mga costumers ay pawang naka-formal attire din. Napatingin ako sa suot ni Marcus at sa suot ko. Naka light blue dress shirt at gray slacks siya samantalang naka-uniform ako! Hindi nababagay ang ang kasuotan ko dito sa restaurant.

Iginiya kami ng isang babaeng staff sa isang bakanteng mesa. Bago pa man kami naupo, kinalabit ko na si Marcus kaya napabaling siya sa’kin. Ang staff ay bumaling din sa akin kaya ngumiti ako ng tipid at bumulong kay Marcus.

“Naka-uniporme ako, Marcus. Hindi ako belong dito,” bulong ko habang hindi inaalis ang ngiti sa labi.

Marcus chuckled. Inilapit naman niya ang bibig sa tenga ‘ko at bumulong din.

“Whatever your outfit is, you always belong, Jane,” he said.

Aapila pa sana ako ngunit hinawakan niya ako sa aking likod para igiya ako sa mesa para sa amin. I flinched a little when I felt his hand at the small of my back pero mukhang wala lang naman sa kaniyang gawin ‘to. He pulled a chair for me then waited for me to sit down before he seated. Ang gentleman din talaga nito.

A waiter immediately approached us and gave us the menu. Ini-scan ko ang menu at hindi ko napigilang mapamulagat ng makita ang presyo!

Putcha! Yung Bone-in ribs pa lang na mukhang adobong karne lang sa picture, halos pitong libo ang presyo! Juice ko! Ano ba ‘tong pinasok ko? Ang tapang ko pang nagsabing siya na ang pumili ng restaurant na gusto niyang kainan. Naku, mamumumulubi ako nito!

Napatingin ako kay Marcus habang sinasabi niya ang order niya sa waiter. Agad ko namang hinanap sa menu yung sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang walong libo ang presyo ng order niya!

Hindi ko malaman kung anong magiging reaksyon ko sa mga nangyayari. Mamumulubi talaga ako. Hindi enough ang perang dala ko. Nasa mga tatlong libo lang ‘yon! Gusto kong maiyak. Kinakabahan ako. Paano ako magbabayad?

Sasabihin ko na lang siguro sa may-ari na maghuhugas na lang ako ng mga pinagkainan o maglilinis ng buong restaurant para makabayad! Naputol ang aking pag-iisip nang tawagin ni Marcus ang pangalan ko.

“Jane?” Bumaling ako sa kanya. “What’s yours?” he asked.

“Ah… w-water na lang ako, Marcus. H-hindi naman kasi ako gutom,” nauutal na sagot ko. Actually, gutom na gutom na ‘ko kanina habang nasa byahe kami pero nang makita ko ang nakakapangilabot na presyo ng mga pagkain dito, nawala na lang bigla ang gutom ko.

Nangunot ang noo ni Marcus. He leaned in para makalapit sa’kin.

“May problema ba? Ayaw mo ba sa mga pagkain dito? May iba ka bang gusto?” he asked sensibly.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon