“Woooh! Inom pa!”
Para na akong baliw na sigaw ng sigaw sa loob ng club. Hindi ko alam kung saang club ito pero sigurado akong hindi sa Hilton ‘to. Umiiyak kasi ako sa loob ng sasakyan ni Marcus kanina the whole time na bumyahe kami patungo rito.
Hindi ko rin alam kung paano ko nakumbinse si Marcus na magclub kami pagkalabas namin ng Global City. Basta pagtigil ng sasakyan niya, nandito na kami. Narindi siguro siya sa paghagulgol ko sa loob ng sasakyan niya.
Ah! Putang-ina! Gusto kong makalimot. Kahit ngayon lang. Ayokong isipin kung ano man ‘yong nangyari kanina at ayokong maramdaman ‘yong sakit. Gusto kong mamanhid. Gusto ko sanang pumunta ng hospital at magpaturok ng anesthesia pero sabi ni Marcus hindi raw pwede.
Hindi pwede kasi wala naman akong sakit? Pero masakit ang puso ko! Hindi pa ba sapat na rason ‘yon para magpa-ospital? Wala bang gamot para sa sakit na nararamdaman ko ngayon?
Inihampas ko sa braso ni Marcus ang pouch ko.
“Ikaw na ang bahala, Marcus. May pera ako diyan, bayaran mo lahat ng maiinom natin mamaya. Kung kulang ‘yong pera ko, saraduhan mo muna. Bayaran na lang kita bukas,” diretsong sabi ko.
Ang galing! Nadiretso ko pa ang pagsasalita kahit lasing na ‘ko! Nakakabilib ka ngayong gabi, Jane! Good job!
Inabot lang ni Marcus ang pouch ko at inilagay sa tabi niya. Nandito kami sa isang VIP section. Alam kong mahal dito kaya sigurado akong kulang na kulang iyong pera ko. Bahala na bukas kung paano ko babayaran si Marcus.
“Just another hour more then let’s go home,” Marcus said. He leaned closer when he spoke to me kasi nasa peak hour na ang club kaya ang daming tao at grabe na ang dagundong ng trance music. Marami na ring nagwawala sa dance floor. Gusto ko ring sumayaw doon pero mamaya pa. Iinom muna ako.
Inilapit ko rin ang mukha ko kay Marcus at isinigaw ang sasabihin. “Uuwi na tayo kapag hindi na ‘ko makatayo sa sobrang kalasingan.”
I really wanted to get wasted tonight. Iyong tipong gagapang na lang ako kasi hindi ko na kayang tumayo. I knew it was absurd but I really wanted this… at least just for tonight.
Umiling-iling si Marcus. “You’re already drunk, Jane.”
Marcus was no fun. He wasn’t drinking! Kanina ko pa siya inaabutan ng inumin pero dalawang shots lang, ayaw na niya. Nakakainis! Kaya nga siya ang sinama ko kasi alam kong sanay siyang makipag-inuman. Kung alam ko lang e di sana ‘yong mga lasinggero kong kapit-bahay ang inaya ko. Iyong mga yun magdamagan kung mag-inuman. Tirik na tirik pa ang araw, pulos lasing na ang mga gago kaya nahahampas ng batya ng mga asawa nila e.
I lost count kung nakailang shots na ‘ko. Hindi ko na rin alam kung anu-ano na ‘tong mga iniinom ko. Parang pare-pareho na ang lasa e. Pero wala na akong pakialam, basta nakakalasing, lagok!
I knew I was already drank. Umiikot na ang paningin ko. More than two hours na rin kami rito.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...