I woke up earlier than usual. It’s Saturday so I don’t need to rush things for my work. 9A.M. pa ang review ko so I have plenty of time to have a video call with Kent.
I was all smiles while switching on my phone’s data when I saw an unfamiliar backpack on the small table beside my bed. Then memories of last night slowly filled my mind.
Si Kent! Nandito siya! Umuwi siya kagabi. Hindi iyon guni-guni lang! Pero nasaan siya? Umalis na ba siya? Pero nandito pa ang bag niya.
Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tinakbo ko ang distansya patungong kusina. Nandoon si Kent, may nilulutong hindi ko alam kung ano. Natulos ako sa kinatatayuan nang nilukob ako ng kasiyahan tulad ng naramdaman ko kagabi nang makita ko siyang nandito.
Eksaktong pagyakap ko sa kanya’y ang pagharap niya sa’kin. I felt him quite stiffened but he eventually composed himself.
“Good morning! Ang aga mo namang nagising. 9A.M. pa ang review mo diba?”
Tumango lamang ako at mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
He’s leaving later. I should savor this moment dahil mamimiss ko na naman siya ng sobra-sobra pag-alis niya.
He chuckled. He hugged me back.
“You missed me that much, huh?” he said in a taunting voice.
Tumango lamang ulit ako. He caressed my hair then he dropped a sweet long kiss on my forehead.
“Maupo ka na. Malapit ng maluto ang breakfast natin.”
Kung ako lang, ayokong putulin ang pagkakayakap ko sa kanya pero paniguradong iisipin niyang napakawirdo ko kung gagawin ko iyon. Kaya kahit labag sa loob, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at naupo ako sa may dining table. Pero hindi ko inalis ang titig sa kanya.
“How’s your review,” he asked while putting the pancake, sunny side up eggs and bacon on a plate.
“Ayos lang naman. Nakakahilo sa dami ng terms na kailangang irefresh pero nakakaya pa naman.”
“I know you can do it. Just don’t forget to have time to rest. Mas naaabsorb ng utak ang lessons if you’re refreshed and not stress.”
I nodded. “Pinagpapahinga ko rin naman ang utak ko. Pero hindi ko mapigilang magdouble time kasi alam mo na, slow learner ako.”
He sat down on the chair adjacent to me.
“You’re not a slow learner.”
Napamaang ako. “Alam mong slow ako noon pa.”
He shook his head. “No slow learner graduates as a teacher.”
I smiled at him. “So… anong tawag mo sa’kin kung ganun?”
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...