Chapter 8

33 5 13
                                    

“Kent! Anong ginagawa mo rito?” I sounded like an excited little child kasi pakiramdam ko namiss ko siya kahit halos buong araw ko lang naman siyang hindi nakita.

 
“I am here to pick you up,” he strictly said. “Galing ako sa bahay niyo pero wala ka. I looked for you everywhere tas makikita lang pala kita dito,” he said, frustrated, pagkatapos ay bumaling siya kay Marcus.

 
“Jane was with me, Kent,” ani Marcus sa matigas na Ingles habang nakipagtitigan kay Kent.

 
Palipat-lipat lang ako ng tingin sa dalawa. Ramdam ko ang disgusto nila sa bawat isa. Ano kayang hindi pinagkakasunduan ng dalawang ‘to?

 
“Let’s go, Jane,” aya ni Kent sa’kin at kinuha sa’kin ang mga paper bag na bitbit.

 
Hindi na ako umapila at nagpaalam na lang kay Marcus. Ayoko namang i-prolong ang tensyon na namumuo sa dalawa kahit hindi ko alam kung anong pinanggagalingan ng disgusto nila sa isa’t isa.

 
“Uhm… alis na kami, Marcus. Thank you talaga, ha. Ingat ka sa pag-uwi,” sinsero kong pamamaalam kay Marcus, my eyes sending an apology.

 
Bago pa man makasagot si Marcus ay hinila na ako ni Kent sa palapulsuhan.

 
“Tara na, Jane.”

 
Nagpatianod na lang ako sa kumag na ‘to kahit gustong-gusto ko siyang bugahan ng apoy dahil sa inaakto niya.

 
Una niyang binuksan ang shotgun seat at pinapasok ako. Kahit punong-puno ako ng katanungan dahil sa pag-iinarte niya ay agad na lang akong pumasok sa loob at nagsuot ng seatbelt.

 
Ipinasok naman niya yung paperbags sa passenger seat at pabagsak na isinara ang pintuan. Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin hanggang makapasok siya sa driver’s seat at nagsuot ng seatbelt.

 
Before he revved the engine to life, nagsalita ako.

 
“Bes, anong problema mo? Okay ka lang ba?” I tried my hardest to sound calm, ramdam ko kasing wala sa hulog tong kasama ko. Ayoko namang salubungin ang init ng ulo niya.

 
Isa ‘to sa mga nakasanayan namin ni Kent sa halos labin-limang taong pagkakaibigan namin. Hindi namin sinasabayan ang init ng ulo ng bawat isa. Kung isa sa amin ang mainit ang ulo, ang isa dapat ay mas kalmado. Sinasabayan namin ang mga kalokohan at katuwaan pero kapag ganitong seryosong bagay, meron isang willing mag-adjust. And this practice made our friendship stronger.

 
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

 
“Bakit magkasama kayo ni Marcus?” he asked, looking at me as if he’s boring a hole on my face.

 
“Nagkasalubong kami sa may department store. Tinanong niya ko kung pwede niya akong samahan, pumayag na lang ako tutal wala naman akong kasama. Tyaka kumain lang naman kami at naggrocery,” mahabang paliwanag ko.

 
“Bakit hindi ako ang sinama mo?” pinatay niya ang engine ng sasakyan at ibinigay ang buong atensyon sa’kin.

 
“Nasa condo ka kasi, bes. Tyaka hapon na rin nung lumabas ako,” mahinahon kong paliwanag. “Tas sabi mo may pinagawa sa’yong report si tito.”

 
“Kaninang umaga pa yun, Jane!” he sounded so frustrated. Anong problema niya? May dalaw ba siya? “Tas umalis ka sa condo ng hindi man lang nagpaalam, ni hindi ka man lang kumain at hindi ka na bumalik!”

 
“Nagpaalam ako,” depensa ko.

 “Isinigaw mo lang, Jane, pero halos hindi ko naintindihan kung anong sinigaw mo kaya lumabas ako ng kwarto kaso wala ka na!”

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon