I was in front of my laptop waiting for the Licensure Examination for Teachers results to come out. Nagchat kasi ang mga kaibigan ko at ilang kaklase na lalabas ng hating gabi iyong resulta ng board exam. Gusto ko sanang antayin na lang ang bukas para i-check kaso hindi naman ako patulugin ng kabog ng dibdib ko.
Kakaibang kabog ito. Hindi ganito yung kabog ng dibdib ko na hatid sa akin ni Kent. Kakaiba ang isang ‘to. Iyong tipong parang nasa bingit ako ng kamatayan? Literal na rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko lalo na kapag nakahiga ako at parang hindi ako makahinga.
Kaya kesa naman mamatay ako sa atake sa puso habang nakahiga at inaantay pa ang bukas para makita ang resulta, mas maiigi ng antayin ko na ngayon para malaman kung pasado ako o hindi bago man ako tuluyang malagutan ng hininga.
“Ako na ang maghihintay ng resulta. Matulog ka na,” ani Kent.
Magkavideo call kami habang hinihintay ko ang resulta ng exam. Umaga roon sa kanila ngayon habang maghahating gabi naman dito.
“Hindi rin naman ako makakatulog sa kakaisip e. Grabe! Kinakabahan talaga ako bes,” sagot ko.
“It’s actually obvious that you’re as nervous as hell. Relax! Papasa ka!”
Huminga ako ng malalim. “Sana nga, bes. Sana nga.”
Paulit-ulit kong nirefresh iyong PRC page, baka sakaling may resulta na.
“Go and drink a glass of water. You look like you’re gonna collapse anytime soon.”
I know I looked like hell but I couldn’t care less. Abot-abot talaga ang kaba ko at paulit-ulit akong umuusal ng panalingin na sana ay nasa list of passers ang pangalan ko.
“Come on, baby. Uminom ka muna ng tubig,” aniyang muli nang hindi ako tumayo.
Sinunod ko ang sinabi ni Kent. Lumabas ako ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig. Nakadalawang baso ako at kitang-kita ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang baso.
Grabe talaga ‘to! Papatayin ako ng anticipation!
Nanatili muna ako sa kusina habang pinapakalma ang sarili. Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya naupo muna ako sa upuan sa dining area. I calmed my breathing for a few minutes before I returned to the master’s bedroom.
Humarap ako sa phone ko na nakasandal sa may laptop ko. Nakita ko roon si Kent na malapad na nakangiti.
“Are you okay now?” he asked.
I nodded. “Medyo kalmado na compared kanina.”
He smiled wider. “Congratulations, Miss Licensed Professional Teacher!” he exclaimed. Nanatili ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
“Ha?” Hindi ko nakuha agad nag sinabi niya.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
Lãng mạnFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...