Grabe ang sakit ng ulo ko! Parang pinupukpok ng martilyo!
Gayunpaman, pinilit kong ibukas kahit ang isang mata ko lang. Nakita kong maliwanag na sa labas dahil sa nakahawing kurtina ng bintana.
Teka? Nasaan ako?
Tuluyan ko nang binuksan ang dalawang mata para makita ang kabuuan ng kwarto. Nang napagtanto kong nasa guest room ako ng condo ni Kent, nakahinga ako ng maluwag.
Ganito kasi yung mga eksena sa nababasa ko sa romantic novels. Nagigising ang bidang babae sa hindi niya kilalang kwarto at unti-unting magsi-sink in sa kanya ang nagyari nang nagdaang gabi – at doon lang niya marerealize ang kababalaghang nagawa niya.
Pero teka nga ulit! Anong nangyari kagabi? Paano ako nakauwi rito? Inuwi ako ni Kent? Urgh! Ang sakit talaga ng ulo ko!
I groaned. “Punyetang alak! Hinding-hindi na ‘ko iinom! Iyun na ang una’t huli!”
Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga sa kama at tinignan ang wall clock sa may study table sa gilid ng kama.
“Alas otso trenta na pala.”
Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko. Baka biglang dumating sila tita Karina at tito Joaquin tas maabutan pa akong nakahilata rito. Nakakahiya naman!
Bago pa ako makatayo mula sa pagkakaupo sa kama ay may naalala akong fragment ng nangyari kagabi.
Naalala ko ang paghila sa’kin ni Ria patungong dance floor. Nagsasasayaw nga pala ako dun sa club kagabi!
Naalala ko yung steps kong para akong uod na binudburan ng asin sa kagigiling! Pakshet!
Napahilamos ako sa aking mukha. “Ugh! Nakakahiya! Anu-ano pa kayang kabulastugan ang ginawa ko kagabi? Hala! At sinu-sinong nakakita? Nakakahiya ka, Jane!”
Kinastigo ko ang sarili ko dahil sa kabaliwan kong nagawa.
“Yun naman na siguro ang pinakamalala kong nagawa kagabi, diba?” pangungumbinse ko sa sarili ko.
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari pero bukod sa uod-dance step ko kagabi, wala na akong ibang maalala.
“Ugh! Wala akong ibang maalala sa pinaggagagawa ko!”
Tumayo na lang ako para makapaglinis ng katawan. Pakiramdam ko kasi ang lagkit ng katawan ko. Ipinangligo ko ba ang alak at ganito kalagkit ang pakiramdam ko?
Malaki ang banyo ng guest room ni Kent, mas malaki sa kwarto ko sa bahay namin ni lola. Malaki ang shower room nito at glass walls ang division sa toilet. Wala nga lang bathtub, di tulad sa master’s bedroom.
Pagpasok ko sa banyo, tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin. Wala ng bakas ng makeup, so ibig sabihin nakapaghilamos ako kahit papaano kagabi.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...