Medyo kinabahan ako sa gustong mangyari ng mga kaibigan ko lalo na at first time ‘ko ‘to. Kita sa mga mukha nila na desidido talaga silang lasingin ako ngayong gabi. Kailangan ko lang magtiwala sa kanila. Tutal andito si ate Jem, alam kong hindi niya ‘ko pababayaan.
I looked at her with beseeching eyes. I hope she got the nonverbal message I sent her.
“I got you, Jane. Just enjoy!” She gave me an assuring smile. That’s it! I will enjoy this night! Bahala na ang hangover bukas.
Inabutan ako ni Ayla ng isang maliit na baso na may lamang parang tubig na inumin na may kasamang lime. Inamoy-amoy ko muna pero di ko mawari kung anong amoy ng inumin na ‘to.
“Tequila yan, Jane. One shot! HAPPY BIRTHDAY!” sigaw ni Ayla sa’kin. Nagtatatalon sila ni Ria na parang excite na excite sa gagawin ko.
Sobrang dami ng tao sa club. May mga kaklase kaming bumati sa amin kanina at may mga pamilyar na mukha rin, marahil mga estudyante rin ng NIC. Dahil palalim na ang gabi, halong hiyawan at trance music na sinabayan pa ng pagsayaw ng neon lights ang namayani sa loob ng club. Marami na ring nagsasayawan sa dance floor, obviously, mga lasing na. May mga nagmi-makeout sesh na rin sa mga katabi naming tables. Napapikit ako. Hindi ako sanay makakita ng ganyang tanawin!
Hindi ko mapigilang hindi kabahan lalo na kapag iniisip ko kung baka anong mangyari kapag nalasing ako. First time ko ‘to and I don’t know kung gaano kataas ang alcohol tolerance ko. Huminga ako ng malalim before I decided to drink the alcohol I was holding.
Bago ko pa nailapit ang inumin sa bibig ko, hinawakan ni ate Jem and kamay ko.
“You don’t need to push yourself too hard. Inumin mo lang ang kaya mo, okay?” May halong concern sa sinabi ni ate Jem but still, she gave me an assuring smile. I smiled back at her then I nodded.
“Oh, come on Jem! Kailangan nating lasingin si Jane!” panunuya ni Ria sa kanya.
“I am just worried. This is her first time!” sagot ni ate Jem.
Pasigaw na kaming mag-usap dahil sobrang lakas na ng tugtugin. Feeling ko basag na ang eardrums ko!
“It’s okay ate,” I smiled at ate Jem to assure her that I could handle it.
Ininom ko ng diretso ang alak na binigay ni Ayla at sinipsip ang lime na kasama nito. Parang dinaanan ng apoy ang lalamunan ko! Hindi ko madescribe ang lasa pero nakaya ko namang lunukin. Nginitian ko na lang sila at itinaas ang baso.
“Wooooh! Happy birthday Jane!” sabay na sigaw nina Ria at Ayla. Pareho na silang nakatayo at sumasabay sa tugtugin. Halatang sanay na sanay sa ganito. Mukhang may mga tama na sila.
Si ate Jem ay nakaupo lang habang nankangiti kaming pinagmamasdan. Ilang shots pa lang ang nainom niya. Wala siguro siyang balak maglasing para may mag-asikaso sa amin kapag nalasing na.
May mga lumapit sa couch namin at nakipagkwentuhan pero hindi ko kilala. Kaibigan nina Ayla at Ria marahil. Puro lasing na ang mga tao sa paligid ko. Parang kami na lang ni ate Jem ang wala pang tama.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...