I immediately pushed Marcus away from me. I covered my lips with my hand and I ran away from him. He tried to stop me but I didn’t allow him. Hinawakan niya ako sa braso pero winaksi ko lamang ang mga kamay niya nang hindi siya tinitingnan.
“Jane,” he called weakly but I was too lost to even give him a single glance.
Bakit niya ginawa ‘yon? Nababaliw na ba siya? Isa ba ‘yon sa mga paraan niya para iparamdam sa aking mahal niya ‘ko? If it is then fuck! Ayoko siyang hayaang mahalin ako!
Wala ako sa sarili ko hanggang makalabas ako sa building. Agad akong pumara ng jeep pauwi sa apartment ko. Nang makita kong malapit na ako ay binuksan ko ang aking bag para kumuha ng pambayad. Doon ko lamang napansin ang panginginig ng mga kamay ko.
Pinilit kong kalmahin ang aking sarili. I tried to get money and paid my fare.
“M-manong, p-paabot po,” pakisuyo ko sa katabi ko sa jeep. Kahit ang boses ko’y nanginginig din.
Wala pa rin ako sa sarili hanggang makarating ako sa loob ng unit ko. Nahiga ako sa kama, sapo pa rin ang bibig. Unti-unting nagsink in ulit sa akin ang nangyari kanina.
Bakit niya ako hinalikan? Wala akong maalalang binigyan ko siya ng pahintulot! I never expected Marcus would do this to me. Marcus kissing me never entered my mind. Fuck!
Napapikit ako ng mariin. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang ginawa ni Marcus.
Tumunog ang cellphone ko. Nanghihina kong kinuha ‘yon mula sa bag ko. Nakita kong si Marcus ang tumatawag kaya pinatay ko agad ang phone ko at ibinalik iyon sa bag.
Galit ako sa kanya. Ayoko siyang makausap.
Dahil sa nangyari ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa katok sa pintuan sa sala. Bumangon ako para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.
“Jane!” bungad ni ate Lucille habang buhat si Erica.
“Hello po ate Jane!” bati naman ni Erica.
“Hi Erica. Hi din po ate,” bati ko rin.
“Ang haba ng tulog mo ha,” ani ate. Doon ko lang napansin na madilim na sa labas. Napahaba nga ang tulog ko.
“Medyo napagod lang po ako sa pinuntahan ko kanina.” Pumasok sa isip ko ang ginawang paghalik sa akin ni Marcus. Naalala ko ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.
“Jane!” tawag ni ate sa pangalan ko habang niyuyugyog ang braso ko.
“P-po?”
“Ayos ka lang? Nagi-space out ka,” aniya, may pag-aalala sa boses.
Tipid akong ngumiti. “O-okay lang po ako.”
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...