Chapter 37

21 4 0
                                    

Nakausap ko si Kent ng medyo matagal-tagal ngayong araw dahil wala naman akong pasok dahil on leave ako. Ala-una ng hapon siya tumawag, alas-nuebe ng gabi naman iyon sa kanila. We were able to talk about his day. Wala naman akong masyadong machika sa kanya dahil nasa apartment lang ako magdamag.

Linggo ng gabi pa lang sa kanila since 16 hours ahead ang Pilipinas. He looked so tired. He’s spending his weekends working for PMI. Nagpaparticipate siya sa business meetings and conference virtually and he’s doing lots of reports for school and their business.

“It was so tiring but I’m learning a lot,” he said.

He was resting on his bed. Nakadamit pangtulog na siya. Hindi ko mapigilan ang pagsagi sa isip ko noong ala-alang naroon si Einah, malayang nakasama si Kent sa loob ng kwarto niya.

Do they also kiss when they’re alone?

Of course! Fiancée kaya siya. Ako nga na best friend lang, nahahalikan, how much more ang fiancée?

Kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Magmumukha akong selfish at possessive pero ayokong may hinahalikan siyang iba. Gusto kong ako lang ang hahalikan ni Kent, ako lang. Wala ng iba.

Pero baka nga hindi lang kiss ang pinagsasaluhan nila diba? Baka nga mas higit pa dun ang ginagawa nila!

Shit! Pinilig ko ang aking ulo. Hindi ko na nagugustuhan ang pinupuntahan ng isip ko.

“Jane, are you listening to me?”

Napukaw ang atensyon ko dahil sa malakas na pagtawag ni Kent sa pangalan ko. Nakaheadset ako samantalang nakaloud speak naman ata ang iPad niya.

“A-ah, oo,” sagot ko kahit ang totoo’y hindi ako nakinig sa mga huling sinabi niya.

“You’re spacing out again. Don’t tell me yung board exam pa rin ang iniisip mo? Tapos na yun,” aniya.

“U-uhm… Y-yung lalabas na resulta ang iniisip ko,” pagsisinungaling ko.

“Bakit parang hindi?”

“I-iyon naman talaga ang iniisip ko.”

Sige Jane! Mas galingan mo pa sa pagsisinungaling. Siguradong sa baba na ang bagsak mo niyan sa dami ng kasinungalingang lumalabas sa bibig mo.

Bigla akong nakonsensya. Kent’s always honest to me samantalang ako, marami nang kasinungalingang nasabi sa kanya.

Sorry, Kent.

“Okay. When will be the out of the result?” he asked.

Nagkibit-balikat ako.

“Usually, last week daw ng November lumalabas ang resulta.”

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon