Chapter 30

38 5 5
                                    

Kinuntsaba ko ang staffs ng resort para sa surprise ko kay Kent. Sinadya ko talagang pagurin siya kahapon sa pamamasyal at pagsuswimming magdamag para mapahaba ang oras ng tulog niya. Mukhang effective naman ang naging plano ko dahil pasado alas-otso na ng umaga'y tulog na tulog pa rin siya sa kwarto namin.

Nagpahanda ako ng ibat-ibang pagkain para sa amin. Nagrequest din ako ng birthday cake at wine. Pinaset up ko ang mga iyon sa isa sa mga beach shack nila. Nagrequest din ako ng mga kakanta ng happy birthday song para sa kanya mamaya. Buti na lang go na go ang mga staff. Kami na rin lang kasi ang naiwang guest dito. Noong January 2, umuwi na yung mga kasabay naming nagcelebrate dito.

I think karamihan sa mga andito noong mga nakaraang araw ay mga kapamilya ni Brion. Halos sabay-sabay kasi silang umalis. Speaking of Brion, he tried several times to approach me but Kent didn't allow me to be left alone. Basta nasa labas kami hindi niya ako hinayaang maiwang mag-isa, kahit nga sa paggamit ng CR ay sinasamahan pa ako ng kumag. Hanggang labas lang naman siya nag-antay. Tas kung siya naman ang kailangang gumamit ng CR, babalik pa talaga kami sa kwarto para doon siya gumamit.

Masyadong paranoid ang kumag. Kahit wala naman ang grupo ni Brion sa paligid ay iniisip niyang bigla na lang itong susulpot. Anong tingin niya doon sa tao, kabute? NapakaOA lang talaga ng isang yun e. Wala naman kasing gingawang masama yung tao. I think nakikipagkaibigan lang. Nakita ko namang may kasama silang ilang babae so probably one of those girls is his girlfriend.

I knew I wasn't creative enough to make this day extra special for Kent but I did my best. I just hope he would like it. Kahit anong piga ko kasi sa creative juices ko, wala akong mapiga. Actually, itong hinahanda namin ngayon, pulos ideas ito ng mga staff na tumutulong sa'kin sa paghahanda.

"Ang sweet niyo namang girlfriend," anang isa sa mga staff na nag-aayos ng table para mailagay na ang mga pagkain.

Napalunok ako sa komento ni ate.

"H-hindi po niya 'ko girlfriend, best friend lang po niya ako," sagot ko.

"Weh?" aniya na animo'y jinojoke ko lamang siya.

"Totoo po," pagtanggi ko.

"E ma'am, kung best friends lang ho kayo, bakit naghalikan kayo noong magbabagong taon?" tanong niya.

Shit! Nakita niya 'yon? Sinu-sino pa ang nakakita?

Hindi ko pinansin ang tanong ni ate. Tumalikod ako at kunwareng may kukunin sa box sa sahig. Because truth to be told, I didn't know how to explain the kiss that Kent and I shared.

Isa lang ang sigurado ako ng mga oras na yun. That kiss... made me fall in love deeper for him. Iyong tipong wala ng ahunan. That kind of kiss was my first time and what Kent made me feel that very moment was immeasurable. It was incomprehensible. The kiss sent millions of emotions and sensations I couldn't name and to be honest, I wanted more but I knew in the first place that it was wrong. Kahit pa sinabi niyang okay lang magkiss ang magbest friend. That mere kiss was already wrong in the first place but guilt didn't consume me at all. I was actually happy. It truthfully made my new year a blissful one!

He was the one who broke the kiss. I was supposed to ask him lots of questions but not even a word came out from my mouth. He didn't say anything as well. He just continued lighting the fireworks and acted as if nothing happened.

So anong gagawin ko? Io-open ko yung tungkol dun? Tatanungin ko kung bakit ganun yung halik na pinagsaluhan namin? Na tama ba talagang maghalikan ang magkaibigan lang? O dapat bang magkomento ako na gustong-gusto ko yung halik niya at gusto kong maulit pa 'yon?

Andaming tumakbo sa isip ko noong mga oras na yun. Actually hanggang ngayon, andami kong tanong. Andami kong gustong sabihin – at ang totoo, nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob nung hatinggabing iyon na sabihin sa kanyang mahal ko siya ng higit pa sa pagkakaibigan. Pero wala siyang naging anumang reaksyon nang mga oras na matapos ang pinagsaluhan namin. Iyong parang hindi naman nangyari at hindi importante kaya hinayaan lang na lumipas.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon