Chapter 3

63 7 62
                                    

“Kuya, pasuyo po,” sabi ko sa lalaking katabi ko sa jeep para mai-abot ang bayad sa driver.

Parang napapadalas na ang pag-iyak ko sa loob ng jeep tuwing pauwi ako ng bahay.

Nagpasalamat na lang ako na wala namang pakialam yung mga kasama kong pasahero kahit panay ang tulo ng mga luha ko sa loob ng jeep.

Pagdating ko sa bahay, diretso lang ako sa kwarto at iniyak lahat ng sakit na nararamdaman.

‘Bakit ba ang drama ko? Wala namang kami ni Kent pero dinaig ko pa ang napagtaksilan sa pag-iyak ko!’

Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising ako ng madaling araw ng Linggo.

Mas maayos na rin pakiramdam ko kumpara kagabi at in fairness, naparami ako ng tulog!

Bumangon na ‘ko agad kahit madilim-dilim pa. Kahit kumakalam na ang sikmura, napagpasyahan kong maglinis at maglaba na muna.

Katatapos ko lang magsampay ng mga damit nang tumunog ang cellphone ko.

Hindi naman na ako magtataka ang sino yung tumatawag kasi siya lang talaga yung tumawatag sa’kin.

“Oh?” sagot ko sa tawag niya, walang tinginan sa screen ng cellphone.

“Kay aga-aga, bes, naghahamon ka ng away,” bungad ni Kent.

“Hindi ka na nasanay. Ganyan naman kita sagutin ‘pag tumatawag ka ah,” depensa ko.

Totoo naman kasi. Anong gusto niya? ‘Hello? How may I help you?’ ganun?! Naku! Huwag ako! Mamaya ‘hello babe’ i-bungad ko sa kanya eh. Ewan na lang!

“Fine! Punta ka dito sa bahay.”

“Saan tayo pupunta?”

“Wala naman, bahay lang. Laro tayo or anything you wanna do. Wala si dad. Si mom naman may appointment sa spa ata. I am bored,” parang pagod na pagod niyang sabi.

“Okidoki! Pakain na rin diyan, wala pa akong almusal.”

“Sure. Bilisan mo ha. Ingat ka,” pagtatapos niya sa tawag.

Minadali ko nang ayusin ang mga ginamit ko sa paglilinis at paglalaba. Mabilisan din ang naging pagligo ko. Nagsuot lang ako ng white oversize shirt at black shorts na hanggang tuhod ang haba.

Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko sa harap ng salamin habang nagsusuklay.

“Putcha! Ang jologs ko!” puna ko sa sarili ko.

Binuksan ko ulit ang aking aparador para maghanap ng ibang maisusuot pero na-realize ko na pare-pareho lang ang damit na meron ako dito. Hindi naman pwedeng magpantalon kasi ayokong makupas agad yun. Isa lang kasi ang meron ako. Yung tokong ko kalalaba ko lang. Puro jersey shorts ang meron ako dito na inalbor ko pa kay Kent at shorts na nabili ko sa ukay.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon