Chapter 33

29 4 1
                                    

In five days, we were able to visit numerous places in Bolinao. We’ve been to different falls and I must say that these falls are insanely gorgeous.

We first visited Bolinao Falls 1. It has a blushing turquoise pool of water. The falls get down from two-stories high into an extensive swimming pool. Then after, we went to Bolinao Falls 2. It was just a few minutes away to Falls 1.

Bolinao Falls 2 is indeed breathtaking. The natural waterfall and swimming pool look more like an outdoor waterpark than a wonder of nature. Bolinao Falls 2 is absolutely my favorite!

“You’re enjoying,” Kent said. He was staring at me while I was looking around the area. Sobrang ganda kasi at nakakamangha.

I nodded. “Sobra! Pero mas enjoy sana kung marunong din akong lumangoy.”

He chuckled. “You will learn, in time.”

I just shrugged. Ilang taon na akong nag-aaral lumangoy pero wala pa ring improvement.

We’ve also been to Tara Falls. It is a scenic waterfall oasis in the middle of the jungle. It is so tranquil and peaceful. I savor the moment we had there kasi kaming dalawa lang ni Kent ang naroon.

Naroon ako sa banda kung saan hanggang bewang lang ang lalim ng tubig. Unlike si Kent na parang nalibot ang buong pool ng Tara Falls.

Doon lamang ako naglublob ng katawan dahil natatakot akong magpunta sa mas malalim pa.

I was enjoying the cold turquoise water when I felt him slid his arms on my waist. Naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko sa mga braso at batok dahil sa ginawa niya. Kailan nga ba kasi ako masasanay sa ganitong gestures niya?

Doble pa ang elektrisidad na dumaloy sa katawan ko dahil nakatwo-piece bikini lamang ako. His arms directly touched my skin.

“Pumapayat ka. Kumain ka nga ng mabuti,” aniya. Nakatingin siya sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Nakadukwang siya sa balikat ko.

“Hindi ako pumapayat. Alam mo ‘yan!” asik ko.

Halos oras-oras niya kaya akong pinapakain at sinasadya niyang maramihan ang inoorder dahil hindi ko maatim na hindi namin ubusin dahil sayang. Halata naman kasing pinapataba ako ng damuhong ‘to.

Napahalakhak siya. Nag-echo ang boses niya sa lugar. Kinurot ko nga ang braso niya.

“Ouch! That’s masakit!” aniya.

Napairap ako at natawa dahil sa kaconyohan niya.

“Of course not! That was not masakit!” panunuya ko.

Pinihit niya ‘ko paharap. Bigla siyang sumeryoso. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ‘ko.

“No matter what happens, we will stay this way. I promise,” he said.

“Oo naman. Besides, we’re best friends!” I exclaimed. But I knew better that I didn’t mean the last two words.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon