Dinala ako ni Marcus sa isang Eco park sa labas ng metro. Hindi ko inexpect na may nag-eexist na ganitong lugar na medyo malapit sa school namin. Kunsabagay, school at condo lang naman ako madalas simula nang magcollege ako. Kung nakakagala man, minsan-minsan na lang at kasama ko pa si Kent.
Sobrang cozy ng lugar. Hindi mo iisiping may hidden paradise sa city na ito. Nakaupo kami ngayon sa isang floating restaurant. Medyo maraming costumers na kumakain din dito. Halatang mga working people na sinadya talagang dito lang maglunch.
Magkaharap kami ni Marcus sa table. Inabot niya sa’kin ang menu. Ayoko sanang tingnan dahil baka mashock lang ako sa presyo. Medyo nagkaphobia na ako sa presyo ng pagkain kapag si Marcus ang kasama ko.
Napilitan lamang akong tingnan ito nang nakita kong marrin ang titig sa akin ni Marcus, inaantay na kunin ko ang menu galing sa kanya.
“Order whatever you want,” aniya.
Tumango ako. Ayos lang naman pala ang mga presyo ng mga pagkain dito. Umorder kami ng seafood fiesta na good for three at ilan pang putahe. We ordered mango shake for our drinks and halo-halo sa buko for our dessert. Ewan ko lang kung maubos namin ‘to sa dami.
“Hindi tayo gutom, no?” sabi. Hindi ko maitago ang sarkasmo sa tinig. Sobrang dami kasi talaga ng pagkain. Nakakalula.
Marcus laughed. “I wasn’t able to eat breakfast kaya babawi ako ngayon,” aniya.
Naalala kong hindi rin pala ako nag-almusal. Ang huli kong kinain ay ang milk tea at nachos na kinain namin ni Kent kahapon sa Highlands Café, pero hindi naman ako nakaramdam ng gutom mula kaninang umaga.
Nag-umpisa na kaming kumain ni Marcus. Nagulat ako nang nagkamay din siya kagaya ko. Napansin niyang tiningnan ko siyang sumubo gamit ang kaliwang kamay niya. Left-handed pala siya.
“What is it?” tanong niya.
“Marunong ka palang kumain ng nakakamay?” tanong ko. Marunong namang kumain ng nakakamay si Kent pero aside sa kanya, wala na akong ibang kilala pa na marunong kumain using their bare hands.
“Oo naman. Bakit?” Gamit ang kanang kamay niya, kinuha niya ang serving spoon at nilagyan niya ng chopsuey ang plato ko.
“Rich kid ka e,” tanging sagot ko na parang maeexplain nun ang phenomena na marunong kumain si Marcus ng nakakamay.
He chuckled. “Parents ko ang mayaman, hindi ako,” aniya.
“Ganoon na rin yun. Anak ka nila e. Matik na mayaman ka rin.” Kumuha ako ng isang alimango at binuksan iyon. Nilagyan ko ng pwersa ang pagbukas kaya tuloy tumalsik ang sarsa nun sa damit ko. Ipinatong ko ang alimango pabalik sa plato ko. Agad naman akong inabutan ni Marcus ng tissue.
‘Thank you,” sabi ko. Pinunasan ko ang damit ko. Nakakainis naman! White boat neck lace blouse ang suot ko kaya kitang-kita iyong kulay ng sarsa kahit paulit-ulit ko nang pinunasan.

BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomantizmFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...