Pinilit kong isantabi muna ang personal concerns ko para sa mas importanteng bagay – ang pag-aaral.
Finals na next week at medyo bugbog kami sa paper works na pinapagawa ng professors. Kahit ayoko sanang magstay muna sa condo ni Kent ngayong week na ‘to, wala akong choice. Nasasayangan ako sa oras na maaaksaya ko sa byahe.
Gumising ako ng maaga at inihanda lahat ng gamit na kailangan ko sa buong linggo. I put everything in my backpack. Nagkaroon pa ako ng mental checklist kung may hindi pa ba ako nailalagay sa bag ko.
Nang masiguradong okay na, pumasok ako sa loob ng banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis ng aking uniporme, nagpunta akong kusina para magluto.
Okay namang sa condo na ni Kent ako magluto pero naisip kong andami niyang pinamili kahapon kaya mas maiging bawasan ngayon. Bibitbitin ko na lang sa condo niya ang maluluto ko.
Kumuha ako ng spam at mga itlog. Nagprito ako ng sunny side up at sinunod ko ang spam. Habang nagpiprito, nagsalang ako ng kanin sa rice cooker.
Mag-aalas sais nang matapos akong magluto. Isang oras akong babyahe kaya tama lang ang pagdating ko dun. Malamang kagigising lang ni Kent pagdating ko sa unit niya.
Inilagay ko sa mga clear container ang mga niluto at inilagay sa paper bag. Pagkatapos kong patayin ang main switch at idouble check ang locks ng bahay, bumyahe na ‘ko.
Nakaidlip lang ako ng kaunti sa byahe kaya feeling refreshed ako pagdating sa building ng condo unit ni Kent. Pagpasok ko sa unit ay nilapag ko muna ang backpack ko sa may sofa. Papasok ako ng kusina nang nakita ko si Kent na nakasungaw.
“Andito ka na!” he said. His hair’s a bit disheveled, halatang kagigising lang. Gayunpaman, he still looked handsome. Nagmumukha siyang badboy dahil sa magulong buhok.
Napansin kong may hawak siyang dalawang itlog sa isang kamay at spam sa kabila. Mukhang magluluto din ng almusal. Nakakatuwa na pareho ang balak niyang lutuin sa naluto ko na.
“Yep! Huwag ka ng magluto. May dala akong almusal,” sabi ko.
Dumiretso ako sa dining table at ipinatong ang paper bag na dala. Isa-isa kong nilabas ang container.
Nakangisi si Kent nang bumaling ako sa kanya. Kumunot-naman ng kaunti ang noo ko, nagtataka.
“I was about to cook spam and eggs as well!” he said. Para siyang bata, tuwang-tuwa.
“Saya mo ah!” pambabara ko.
Sumimangot naman siya. Binalik niya ang spam at mga itlog sa cupboard. Kumuha siya ng mga plato at kubyertos. Kumuha naman ako ng mga baso at orange juice sa ref. Naupo kami sa dining table at nag-umpisang kumain.
“Anong oras ka gumising?” he asked.
“4:30,” tipid kong sagot.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...