Wala ako sa sarili nang pumasok sa unit ko. Paulit-ulit kong nirereplay ang naging kwentuhan namin ni ate Lucille kanina. Pinipilit kong isipin kung paano kami napunta sa ganoong topic at kung paano ko nagawang aminin ang sekretong ilang taon ko ng tinatago at kailanma’y ayaw kong ibunyag.
Shit!
Malakas ang pakiramdam kong nabudol ako ni ate. Naamin ko sa kanya ang lahat-lahat! Pati ang halik na pinagsaluhan namin ni Kent noong 18th birthday ko ay nagawa ko ring ikwento!
Napasabunot ako sa sariling buhok at bigla na lang sumalampak sa sofa. Bakit ko inamin? Paano ko nagawa yun? Akala ko ba babaunin ko ang sekretong iyon hanggang hukay?
“You’re in love with your best friend. Am I right, Jane?”
I wasn’t able to answer straightaway. The question was too direct. It seemed like it was a question between life and death. Pero pwede ko namang itanggi diba? Oo! Pwedeng-pwede. Tutal napapadalas naman ang pagsisinungaling ko, lulubos-lubusin ko na.
Tumawa ako para maibsan ang kabang lumulukob sa akin. “H-hindi po ah,” mariing tanggi ko. Pero ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko.
She chuckled. “Oh, come on! Twenty-five na ‘ko and I’ve already encountered cases like yours kaya huwag mo ng itanggi. You’re in love with your best friend,” ate Lucille said without any hesitancy. Instead, her voice was laced with surety.
Shocks! Makakawala pa ba ako? Natameme ako sa harap niya. Literal na wala akong nasabi!
She laughed. “Gosh, Jane! Para kang batang nahuling may ginagawang hindi tama sa hitsura mo. Tsk! Umamin ka na kasi,” patuloy niya.
“K-kasi po… a-ano ate…” I couldn’t formulate statement that would deny or confirm anything. Feeling ko sinalang ako sa isang hotseat. Para akong nacorner, wala na akong kawala! Bakit ngayon pa hindi gumana ang pagiging in-denial ko? Bakit?!
“Ano? Hindi alam ng best friend mo na gusto mo siya?” tanong niya.
Gosh! Manghuhula ba siya?
Tumango ako.
He sighed. “Bakit hindi mo ipaalam?”
Agad akong umiling. “H-hindi po pwede. A-ayokong mawala siya sa’kin,” sagot ko.
“Huh? Bakit naman siya mawawala sa’yo?”
“B-baka kasi kapag inamin ko po ang feelings ko, iwasan niya na ‘ko kasi magiging awkward na po siya sa’kin,” sagot ko sa maliit na boses. Nagbaba ako ng tingin.
She chuckled. “Ang advance mo namang mag-isip,” aniya. “Paano mo nasabing ganyan ang mangyayari? Umamin ka na ba? Sinubukan mo na ba?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...