Chapter 47

37 4 6
                                    

I feel like I am alive in a coffin. I cannot run away from what I feel inside. It feels like I am dying inside each day.

Akala ko namatay na ‘ko noong araw na umalis ako para magtungo rito sa Ontario. Pero sa araw-araw na pananatili ko rito ay parang araw-araw din akong pinapatay.

Magtatatlong taon na pero pareho pa rin ang sakit. Kailan ko ba tuluyang makakalimutan ito? Kailan ko ba mapapatawad ang sarili ko? Kailan ako magiging maayos? Hindi ko na hinihiling pang bumalik ako tulad ng dati pero at least masabi ko namang kahit paano’y okay na ‘ko. Hindi iyong maiiyak ako lagi sa tuwing maiisip ko ‘yong iniwan ko.

‘”Jane! Jane, girl! Gising!” Nagising ako sa tawag at marahang pagyugyog sa akin ni Noemi. Nagmulat ako ng mga mata at kita ko ang ilaw mula sa lampshade na meron kami sa kwarto.

Apat kaming omuokupa sa kwartong ‘to. Ngunit dalawa lang kaming narito sa gabi dahil iyong dalawa ay panggabi ang trabaho. Sila naman ang narito sa araw kung kailan nasa trabaho kami.

“Humahagulgol ka na naman. Ano ba yang panaginip mo, girl?” tanong niya nang hindi ako nagsalita.

Doon ko lamang napagtanto na basang-basa ang pisngi ko ng luha. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Sa gabi-gabing ginawa ng Diyos, I often find myself crying to sleep that even in my dreams, I am crying. Hanggang iyon na ang gumigising sa akin.

The past still haunts me.

“Heto, inumin mo ‘to,” aniya nang hindi ako sumagot. Sa halos tatlong taon na magkasama kami ni Noemi ay parang nasanay na siya sa ganitong nangyayari sa akin. Hindi na rin siya nag-uusisa pa tuwing hindi ako sumasagot.

I am keeping everything to myself. No one of my new found friends knows who I was and what I’ve been before I came in this foreign land. Sinarili ko lang ang lahat.

“Sinalo mo raw yung shift ni Patrick?” tanong ni Noemi nang makita niya akong naghahanda para pumasok kahit na off ko naman sa dalawang trabaho ko ngayon.

“Oo e. May aayusin daw siyang importante at ngayong araw daw ang schedule.”

Kilala na akong taga salo ng shift ng mga katrabaho ko sa SB. Madalas lumapit sa akin iyong mga katrabaho kong iba ang lahi para saluhin ang iiwan nilang post.

Lima kaming pinoy sa store and the rest ay iba-ibang lahi na. Iyong si Patrick ay isang Indian. Tatlo kaming pinoy na nakatoka sa opening, iyong dalawa naman ay sa closing. At tuwing may conflict sa trabaho at and importanteng gagawin ang mga kasamahan ko, ako lagi ang tinatawag nila para sumalo ng shift basta wala akong trabaho.

Naging panata ko na kasi rito sa Ottawa, Ontario na the more time I spend at work, the more money I am going to earn.

Pera. Iyon ang importante sa akin dito. Kaya kahit anong pahiwatig ng ilang katrabaho ko tungkol sa nararamdaman daw  nila para sa akin ay pinagkikibit-balikat ko na lamang. I have a fair share of experience with that already… I guess.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon