Chapter 43

27 3 3
                                    

“Hinay-hinay lang sa trabaho, Jane. Parang ikaw lang ang walang hang over sa new year sa atin dito ah,” ani Tim nang madatnan niya ‘ko sa opisina.

Mas gusto ko ngang nasa trabaho ako e kesa manatili sa condo. Kung naroon ako, wala akong ibang gagawin kundi ang mag-isip at mamiss ang best friend ko. Those were making me stress.

Kinailangan kasing umalis agad ni Kent dahil January 3 ay start na agad ng pasok niya. So wala naman akong naging choice kundi magpaalam ulit sa kanya. Parang umuwi nga lang siya para may makasama akong magcelebrate ng new year e. And of course, that act made my heart melt like an ice cream under the sun.

He never asked me about the kiss we shared during the New Year’s eve until he left but I could tell na kasing lamig siya ng Baguio noong sumunod na araw. Hindi ko tuloy mawari kung ano ba talaga ang inasahan niyang marinig sa akin nang nagtanong siya tungkol dun sa ginawa ko.

Hay! Nakakastress! Kaya gusto ko na lang na isubsob ang sarili ko sa trabaho e.

“Maraming kailangang tapusin e,” sagot ko kay Tim kahit ang totoo’y wala naman masyado. Gusto ko lang talagang maging abala.

“Chill lang, Jane. Hindi naman minamadali iyang mga reports. Tyaka baka mamaya magalit si sir Kent dahil inoover work ka rito.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Si Kent? Magagalit? Bakit naman?

“Anong kinalaman ni Kent kapag na-over work ako?”

“Hindi mo ba alam na-”

“Tim!”

It was Marcus. Ni hindi namin namalayang nasa loob na pala siya ng opisina. At ni hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto at pagsara nito e samantalang katabi lang naman ng pinto ang table ko. Mala-ninja pala ‘tong si Marcus, ha!

“Sir Marcus! Good morning sir,” pormal na bati ni Tim.

“Good morning, sir Marcus,” bati ko rin.

“Good morning. Tim, follow me,” he answered. Tinapunan lang niya ako saglit ng tingin pagkatapos ay lumabas sila pareho ng opisina.

Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa.

The routine has gone the same since the New Year started. Condo – work – condo – video call with Kent and chats with friends – sleep – repeat. At tuwing off naman ay nagbabasa ako ng libro.

Binili ko lahat ng librong sinulat noong writer na nirekomenda sa akin ng katokayo ko. Naging paborito ko na rin iyon at nakakatuwang dinadala ako ng mga istorya niya sa setting ng mismong kwento. Nang dahil doon ay hindi ko nagagawang mag-isip at mastress.

Days, weeks and months passed by in a blur. Hindi rin nakauwi si Kent ng Pilipinas dahil kung saan-saan siyang bansa pumupunta para asikasuhin ang business nila. He was supposed to go home during his spring recess kaso nagkaproblema ang distribution ng spare parts sa Japan dahil parang sinasabotahe ata sila noong kalaban nilang kompanya.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon