Chapter 23

25 5 6
                                    

Nasa loob na kami ng airport at nakapagcheck-in na. Inaantay na lang namin ang aming flight. Katabi ko si Marcus na nakaupo sa departure lounge. Kanina pa ako tahimik. Pinaglalaruan ko lamang ang mga daliri ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na yung pinakahihintay kong araw ay matinding kalungkutan at pagkadismaya lang pala ang hatid. Akalain mo ‘yon? Ilang araw kong ni-look forward ang araw na ‘to tas ganito lang pala ang mangyayari? Nakakaputang ina!

“Gutom ka na ba?” basag ni Marcus sa katahimikan.

Umiling lamang ako ng hindi siya tinitingnan. Nahihiya ako kay Marcus. Ilang araw siyang hindi nagparamdam sa’kin simula noong gabing iniwan namin siya ni Kent sa McDo. Naintindihan ko naman kung nagalit siya sa’kin dahil iniwan ko na lang siya kahit ang ihatid lang naman ako ang pakiusap niya. Tas ngayon nandito siya para samahan ako sa Cebu. Ang laki kong abala sa kanya. Tas heto pa ako ngayon, hindi man lang makausap ng matino.

‘Sorry Marcus.’

“You know… you shouldn’t be mad at him,” he said. I still didn’t look at him but I was listening to what he was saying. “He obviously didn’t want to go there but he didn’t have a choice. But you know what, if I was in his place, I would still choose to be with you and break the rules. Damn those rules! More so… Kent is still an asshole that he stood you up.”

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lamang ako sa pagpisil sa mga daliri ko. I heard Marcus heaving out a deep sigh.

Hindi ko alam kung bakit siya nagre-reason out para kay Kent. Ang alam ko ay hindi sila magkasundo pero heto siya at sasamahan ako sa Cebu. At ngayon ay sinasabi niyang hindi dapat ako magalit kay Kent. Ewan ko ba, hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. O dahil ayaw ko na lang munang intindihin. Ganoon nga siguro ‘yon. May point din sa buhay mo na magiging sarado ka kahit anong paliwanag ng iba.

“I will do my best to make you happy,” he said.

I heard my phone beeped. Kinuha ko ‘yon mula sa sling bag ko. Nakita kong may dalawang mensahe roon si Kent at ilan pang mensahe galing sa mga kaibigan ko. Kahit grabe ang disappointment ko, nagawa ko pa ring buksan ang mensaheng galing kay Kent at basahin.

From Kentot Mabantot:

Jane…

Sorry.

That’s it! No explanation. Willing naman sana akong tumanggap ng explanation kahit sa text lang e pero wala. Gusto kong lawakan ang pang-unawa ko pero hindi muna sa ngayon. In-on ko ang airplane mode ng phone ko para wala akong matanggap na text o tawag kahit kanino.

Hindi ko alam kung paano ko ieenjoy ang isang linggo ko sa Cebu… o baka paiksiin na lang namin ni Marcus. Itutuloy ko na lang ang orihinal kong plano bago pa ‘tong ‘Cebu escapade’ sana namin ni Kent.

Ibinalik ko ang phone sa sling bag. Pagkatapos ng ilang minuto pa ay oras na ng flight namin. We boarded the plane. Nasa likod ko lamang si Marcus. Inaalalayan ako sa mga dapat gawin at ipakita bago makapasok sa eroplano. Buti na rin na nandito siya. First time ko ‘to at hindi ko alam ang mga dapat gawin. And with my state right now, I don’t think I could board the plane and fly to Cebu all by myself.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon