Bagsak ang mga balikat ni Kent nang bumalik siya sa kwarto at mukha siyang galit. I wondered kung anong pinag-usapan nila ni tito at bakit ganyan ang naging itsura niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya. Inabot naman niya sa’kin ang cellphone. I felt so worried. He really looked livid. This is so unlike him.
“May problema ba?” tanong ko.
Kent heaved a deep sigh before he spoke. He looked at me in the eye. “Pack your things, uuwi na tayo,” aniya.
Napakunot ang noo ko pero ayoko nang umapila pa. Nag-away kaya sila ni tito? Ano kayang pinag-awayan nila.
Lumabas siyang muli. Pupunta siya sa kwarto niya siguro. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at inayos ko na agad ang mga gamit ko. Kaunti lang naman ang mga iyon kaya hindi na ako masyadong nagtagal.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay lumabas na akong kwarto. Inilagay ko na muna ang bags ko sa may sofa sa sala. Nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Kent kaya pumasok ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama, sapo ang noo at ang dalawa niyang siko’y nakatukod sa kanyang tuhod. He looked problematic at malalim ang paghinga niya. Tumayo ako sa harap niya at bahagyang yumuko. Sinubukan kong hagilapin ang mga mata niya.
“Okay ka lang ba?” tanong ko. Inangat niya ang tingin sa’kin. His eyes are full of emotions – anger, sadness, disappointment and worries. He’s not saying anything, but I can easily decipher what he feels because of his expressive eyes.
Huminga siya ng malalim. “Okay na ba ang mga gamit mo?” tanong niya, hindi sinagot ang tanong ko.
Tumango ako at tumayo ng maayos. “Oo, ikaw?” Umiling siya. Nakita ko sa may kama ang bag at mga damit niya. Hindi pa maayos na nailagay sa bag. Nilapitan ko ang mga ‘yon at kinuha ang isa para tupiin. Tumayo si Kent at lumapit din sa mga gamit niya.
“Ako na,” aniya habang inaabot ang hawak kong T-shirt niya. Iniwas ko ‘yon.
“Ako na. Maupo ka na muna. Pakalmahin mo na muna ang sarili mo. Magmamaneho ka pa mamaya,” sabi ko. Hindi siya okay kaya ako na muna ang gagawa. Tyaka hindi pwedeng ganyan siyang magmamaneho mamaya. Baka mapano pa kami. Hindi naman ako makapagpresintang magmaneho dahil hindi ako marunong.
Naupo si Kent malapit sa’kin. Nakatingin lang siya sa’kin habang inaayos ko ang mga gamit niya. Sinalubong ko ang titig niya.
“Anong sinabi ni tito?” Umiling lamang siya. “Kilala kita, Kent. Alam kong badtrip ka sa tatay mo, pero intindihin mo na muna siya,” sabi ko.
Nag-iwas siya ng tingin. “It’s hard to understand him, Jane,” aniya, puno ng kalungkutan ang boses. Nalulungkot ako para sa best friend ko. Hindi siya ganito. I have known him as an optimistic, ebullient and rational person. Hindi ako sanay na ganito siyang malungkot.
Inilagay ko ang lahat ng damit niya sa bag pagkatapos ay naupo ako sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa kanyang tagiliran. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...