Chapter 22

27 5 4
                                    

Ilang minuto na kaming nasa parking lot ng towers pero wala ni isa sa amin ni Kent ang bumaba. Wala ring nagsalita sa amin simula nang umalis kami sa parking space ng McDonald’s. Hinihintay kong may sabihin siya ngunit tanging ang malalim na paghinga lamang niya ang naririnig ko sa loob ng sasakyan. Mariin ang hawak niya sa steering wheel at sa harap lang nakatingin.

Tumikhim ako. “H-hindi ka pa ba bababa?” basag ko sa katahimikan. Bumaling siya sa’kin. “Uh… mauna na ‘ko sa taas,” sabi ko habang inaalis ang seatbelt na nakakabit sa akin.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang bigla akong hawakan ni Kent sa aking braso at hinila palapit sa kanya para mayakap. Dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Bakit siya kinakabahan? Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa’kin.

“Sorry,” aniya. Hindi ako umimik. Wala naman siyang kailangang ihingi ng tawad dahil una, wala siyang responsibilidad na ipaalam sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya dahil best friend lang naman ako. Pangalawa, fiancée niya ‘yong kasama niya. Anong laban ko dun? I am responsible of my own pain because I am loving him without him asking me to do so. I am doing this in my own freewill. So I should accept the pain. Ganoon naman talaga diba? Expect the pain once you love.

“Sorry kung hindi ako nakauwi kagabi. Hinatid ko lang naman si Einah sa kanila and I didn’t expect that dad was there. He asked me to stay with him and spend more time with Einah’s family. Sa bahay niya rin ako pinauwi para masabayan si Einah papasok sa school kinabukasan. I’m sorry, Jane. I’m sorry,” patuloy niya. His voice was laced with so much sadness.

I didn’t know if I should be happy that he told me that he didn’t do anything aside from sending Einah home and accompanying her to school. It wasn’t as worse as what I thought. And I wouldn’t deny the fact that the pain I was carrying got lighter.

I know! Ang rupok ko pagdating kay Kent. What should I do? I love him. Kaakibat ata talaga ng pagmamahal ang katangahan at karupukan. Kasi kahit alam kong masasaktan din lang ako sa bandang huli, pinili kong mas mahulog pa rin sa kanya kahit alam kong hindi niya ako magagawang mahalin pabalik tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya sa mga mata. I saw sadness in his eyes. Parang kinukurot ang puso ko ngayong nakikita ko si Kent na ganito. Ayoko siyang nakikitang malungkot. I always want him to be happy because his happiness is mine, too.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Akyat na tayo,” sabi ko. I honestly didn’t know what to say. Pero hindi ko talaga itatanggi ang paggaan ng pakiramdam ko ngayong narinig ko ang paliwanag niya.

Tinitigan niya muna ako bago tumango. Parang napilitan lang siyang pumayag na umakyat na kami. Hindi ko na siya inantay pang pagbuksan ako ng pinto. Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso sa elevator. Ilang saglit lang ang hinintay namin bago kami nakasakay sa lift.

Napansin ko ang mariing titig ni Kent sa suot ko. Nakikita ko ang repleksyon namin sa salamin sa harap. It was only then when I realized that the jersey shirt belonged to Marcus and his last name’s printed at the back of the shirt. Hinayaan ko lang siyang tignan ito. Hindi naman niya siguro sasabihin sa’king hubarin ko rito ito diba?

“Jane…” tawag niya sa pangalan ko.

“Kumain ka na ba?” tanong ko, gustong iwala kung ano man ang gusto niyang pag-usapan. Naramdaman ko kasing patungkol sa suot kong shirt ang io-open niyang topic.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon