Chapter 44

28 4 1
                                    

“Eight months more then I’m finally home,” Kent said.

Kung iisipin, masyado pang matagal ‘yong walong buwan pero kung ikukumpara sa halos dalawang taong wala siya, masasabi kong maikli na lang ang bubunuin para matapos na niya ang grad studies at manatili na rito sa Pilipinas.

“After eight months ikaw na ang magpapatakbo ng buong PMI,” sagot ko.

We’re in front of the Oregon. He’s leaving for California tonight. After ng birthday celebration ko sa Fine and Dine, hinatid kami ni Arden dito sa condo. Hindi na siya pwedeng magtagal pa dahil dalawang araw na siyang lumiban sa klase.

Nakakakonsensya na lumiban siya sa klase para lang maicelebrate ang birthday ko na kasama ako pero kapag naiisip ko iyong stunt na ginawa niya kanina, kinikilig ako ng sobra. Akalain mo iyon? He was able to pull through the surprise despite the very short span of time.

Kaya halatang-halata ang pagod niya. Mula ba naman sa byahe hanggang sa pag-aasikaso noong sorpresa niya, talagang mauubos ang energy niya. He didn’t ask for Arden’s help daw dahil may importante siyang pinagawa rito. Mabuti na lang daw at kilala niya iyong chef slash may-ari ng resto, nagawa niyang rentahan ang buong restaurant ng buong araw kahit sa short notice lang.

Napapaisip din tuloy ako kung magkano ang ginastos niya sa renta ng buong resto. I know that place is always fully packed so for sure, he spent quite a fortune just to make that place exclusive just for the two of us.

Let’s see,” he shrugged. “I have other plans.”

I frowned. “Plans? Don’t tell me magtatayo ka rin ng sarili mong kompanya tulad ng ginawa ni Marcus?”

He chuckled. “Maybe. You’ll just know when I get home for good.”

Sarap namang pakinggan ‘yon. He’ll be home for good and that’s after effing eight months. I’m looking forward for that day to come.

“Daming arte!” biro ko. “Sige na. Ingat sa flight.”

“Thanks. Mag-iingat ka rin dito,” aniya.

“Mag-iingat sila sa’kin.”

Kinurot niya ang pisngi ko kaya tinampal ko iyong kamay niya.

“Mapanakit ka na ah!” asik niya.

“Wow, ha? Ako pa talaga ang mapanakit?”

“Yeah! You just slapped my hand!”

Napairap ako sa hangin. “Alam mo, ang arte mo.”

“Alam mo rin, sadista ka.”

Pareho na lang kaming natawa sa kaabnoyan namin. Namiss kong kabardagulan itong si Kent. Pasimple akong bumuntong-hininga. Walong buwan ko pang mamimiss ang best friend ko.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon