Chapter 2

45 6 8
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan sa sala. Maliit lang naman ang bahay kaya madaling marinig ang kung ano mang ingay sa labas.

Pupungas-pungas pa akong bumangon. Mag a-alas dose na rin kasi ako nakauwi. Ilang oras pa lang ang tulog ko. Hindi ako nakatulog agad dahil sa kakaisip kanina sa mga pangyayari.

Anong oras kaya natapos yung prom?

Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat pa ako nasa sa harap ko. Si Kent! He’s in his white long sleeves, two buttons already open and coat hanging on his arm

“Bakit hindi mo ko hinintay? Sinong kasabay mong umuwi? Hindi mo man lang ako tinext na nakauwi ka na pala!” bungad niya, halatang iritado at nag-aalala.

Ngayon ko lang naalala na nalimutan ko pala siyang itext kagabi! I was really too preoccupied about what happened last night.

Gusto ko sanang itanong sa kanya yung tungkol doon pero huwag na lang. Mamaya isipin niyang nagseselos ako eh totoo naman.

What? Seriously, Jane?!?

“Sorry na. Itetext naman talaga dapat kita kaso nakalimutan ko sa pagod na rin at antok,” palusot ko. “Teka, bakit ganyan pa suot mo? Katatapos lang ba ng prom?” tanong ko, wondering why he’s here eh dapat nakauwi na siya.

“Nope. Around 2A.M. pa natapos yung prom at hindi ako nakauwi agad kasi hinanap pa kita sa hotel! Nag-alala ako mamaya kung anong nangyari sa’yo… multuhin pa ko ni nana Mameng,” banggit niya sa lola ko.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

“Gago!” sabay hampas ko sa kanya dahil kung anu-anong pinagsasabi niya.

At dun ko narealize na 4:15AM na pala ng napatingin ako sa wrist watch niya. Madilim pa kasi.

Pero nakaramdam ako ng kakaiba sa sinabi niya. Alam kong hindi ito sa takot na baka multuhin kami ng lola ko, pero yung tungkol sa pag-aalala niya.

Na-touch ako! Imbes pala nakauwi na siya kanina pa ay nagawa pa niya akong hanapin. Sweet!

Mas lalo tuloy bumilis yung kabog sa dibdib ko.

Ah! Ano ba tong iniisip ko!? Para akong tanga! Malamang mag-aalala ‘to! Best friend niya ko eh.

“Sige, uwi ka na. Magkita na lang tayo mamaya. Pupunta ako sa bahay niyo para ibalik yung gown at heels,” dismissing him.

Hindi ko na kasi nagugustuhan ‘tong nararamdaman ko, kay aga-aga!

           

“There’s no need, bes! Gift na sa’yo yan ni mommy. Basta mamayang hapon, punta ka sa bahay.”

           

“Okay sige. Ingat ka!” tanging nasabi ko na lang sa kanya.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon