Chapter 14

29 5 0
                                    

I woke up later than usual. I looked at the digital clock on the bed side table, it's already six thirty in the morning. Hindi ko narinig ang alarm kanina. Ganoon ba kasarap ang tulog ko at hindi ko man lang narinig ang pag-alarm? First time to ah. Inalis ko ang blanket na nakapulupot sa aking katawan. Kailangan kong magmadali dahil magluluto pa ako, pero bago pa ako makatayo, naalala kong katabi ko si Kent sa pagtulog kagabi.

Automatic kong hinawakan ang mga labi ko.

'I kissed him last night.'

He's no longer with me inside the room so obviously, he got up earlier. I smiled. I can't help it. It feels like my day's already complete though it's only about to start.

I immediately entered the bathroom to take a bath. Kahit habang naliligo'y may malaki pa rin akong ngiti sa aking mga labi. Hindi ko mapigilan e. Pakiramdam ko ang saya-saya ko ngayong araw na 'to.

After I took a bath, I checked my closet. Nakaayos na ang mga damit na bigay ni Ria sa'kin sa may cabinet. Feeling ko napakaspesyal ng araw na 'to kaya I would dress myself extra as well.

I looked for something to wear today at dahil masaya, inspired at in love ako, I chose ripped jeans and a pink frill off shoulder cropped top. I also wear a four-inch high heel sandals. Oh ha!

Matindi pala ang epekto ng saya ko ngayong araw, nagawa kong isuot ang mga hindi ko gustong isuot noon. I also put light makeup and I used one of the lippies Kent gave me. When I was satisfied with my looks, I looked at my reflection in the mirror and smiled.

Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag ang mga kailangan ko sa araw na 'to. Hindi ko na dinadala ang mga nagkakapalang libro ko sa professional education subjects dahil puro requirements at reports na lang naman ang pinag-uusapan sa klase.

Lumabas ako ng kwarto. Inilapag ko na muna ang bag ko sa may couch sa sala bago nagtungong kusina para magluto. Bago ako pumasok sa kitchen, narinig kong nagsasalita si Kent, parang may kausap sa phone.

"I'll show myself on Saturday, mom, don't be too paranoid," aniya sa kausap. Something's off with his voice. Tunog galit at iritado siya. Tuluyan na akong pumasok sa kusina. Nasa harap siya ng counter island, nakatalikod sa gawi ko.

"You know that this is against my will-" he paused. Nagsalita marahil ang kausap niya sa kabilang linya. Ayoko namang magmukhang nakikinig sa usapan kaya dumiretso na ako at kumuha ng mga pinggan at kubyertos.

"I know, mom... I know," sabi niya. Napalingon ako sa kanya. He was also looking at me. Malambot ang ekspresyon ng mukha niya kumpara sa way ng pananalita niya kanina na tunog iritado. Ngumiti ako sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa mga pinggan na dadalhin ko sa dining table.

"Alright. Bye, mom," pagtatapos niya sa tawag at ibinaba ang phone. Ipinatong niya 'yon sa may counter island.

"Mommy mo?" tanong ko although obvious naman na nanay talaga niya ang kausap. Gusto ko lang sanang alamin kung anong sinabi ng mommy niya sa kanya dahil ang aga-aga mukha na siyang iritado.

"Yeah," tipid niyang sagot. Hindi na niya dinugtungan pa ang sasabihin. Confidential marahil ang pinag-usapan nila ng mommy niya.

Nakahanda na ang almusal sa mesa. May kanin, chicken nuggets, sunny side up eggs at mushroom soup. May juice na rin. May dala na siyang mga baso nang makalapit sa dining table.

"Nalate ako ng gising. Sorry, ikaw tuloy ang nagluto," hinging-paumanhin ko. Naupo na kami pareho. Nilagyan ko ng kanin ang plato ko, siya nama'y pinagsalin ako ng soup sa mangkok. Nilagyan niya rin ng juice ang baso ko. Lihim akong napangiti sa simple gestures ni Kent kahit alam kong normal na 'yon sa kanya.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon