“Wake up now, sleepy head!” sigaw ni Kent habang ipinapalo ang kutsara sa takip ng kaldero.
Napadaing ako at tinakip ang unan sa tenga ko.
“Hey! You have work. Bangon na!” aniya. Niyuyugyog ang braso ko habang inaalis ang unang nakatakip sa tenga ko.
“Inaantok pa ‘ko,” sabi ko. Gumaralgal pa ang boses ko.
“It’s already 7A.M. Hindi ka papasok?”
Napabangon ako bigla at tumingin sa wall clock sa kwarto. Napatayo ako agad nang makita kong limang minuto na lang ay alas syete na!
“Shit!” bulong ko. Late na ‘ko!
Mabilis kong hinablot ang twalya at pumasok sa banyo para maligo. Sobrang bilis lang ng pagligo ko. Nagawa kong pagsabayin ang pagsisipilyo at pagsha-shampoo ng buhok. Mabuti na lang at nakahanger na sa loob ng banyo ang uniform ko. Hindi ko na rin napahiran ng lotion ng maayos ang katawan ko. Kahit ang pagsuklay ay dalawang pasada lang, ayos na.
Paglabas ko ng banyo ay kinuha ko ang aking bag at diretso na sanang lalabas ng unit nang bigla akong hawakan ni Kent sa aking braso.
“Eat your breakfast before you leave,” he said.
“Late na ‘ko,” puno ng pag-aalala kong sagot.
“Kahit kaunti lang. Malapit lang naman ang school mo.”
Giniya niya ako sa may kusina. Kating-kati na ang mga paa kong pumasok. Ayokong mabawasan kahing singkong duling ang sweldo ko.
Mabilis kong sinubo ang spam at kanin na nakalagay na sa plato. Hindi na ako nag-abala pang umupo. Ilang subo lang ang ginawa ko dahil talagang late na ‘ko.
“Alis na ‘ko,” paalam ko kay Kent.
“Hatid na kita,” aniya pero tumunog ang phone niya.
“Hindi na. Magkita na lang tayo mamaya,” sagot ko.
Tinignan niya ang screen ng phone niya. Palabas na ako ng unit. Siya nama’y hindi pa rin sinagot ang tawag.
Huminga siya ng malalim bago lumapit sa’kin.
“Okay. Take care then,” he whispered then he leaned and dropped three sweet kisses on my lips.
“U-uh… b-bye.”
Iyon lamang ang nasabi ko at tumalikod na para umalis.
Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil sa ginawa ni Kent. Kahit alam kong late na ako’y nagagawa ko pa rin kiligin.
“Para kaming magboyfriend,” bulong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
RomanceFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...