Chapter 1

93 7 4
                                    

Pinilit kong iabot yung paa ko sa joystick na hawak niya para ma-distract siya sa paglalaro.

Ang lakas ko talagang maka-long legged eh kahit ang liliit naman ng mga biyas ko.

“Napakadaya talaga”, Kent said ng matalo siya sa nilaro namin.

“Yebahhhh! So pano ba yan? Panalo na naman ako! Sagana na naman ako buong lingo!” pagmamayabang ko sa kanya then I laughed.

This is one of the things that Kent and I usually do during weekend. Maglalaro kami sa bahay nila at kung sino ang matatalo, siya ang sasagot ng lunch at merienda ng nanalo for the whole week.

Never pang nanalo si Kent over me. I knew it! Sinasadya niyang matalo para siya ang manlibre sa’kin kasi alam niyang wala naman akong pera. Drama-dramahan lang siya sa pagiging competitive niya every time we play para ma-challenge ako at hindi magpatalo, but at the end of the game, nagpapatalo pa rin naman siya.

“Dating gawi ah! Preference ko ang masusunod sa kakainan natin”, demand ko.

“Wow ha?! When did you say yes to my preference? You always boss me around!” singhal niya habang inaayos namin yung mga ginamit namin sa paglalaro.

“Wow din ha?! Don’t English me!” Itong engliserong ‘to. Palibhasa rich kid kaya ini-English ako.

Nakakapasok lang din naman ako sa private school na pinapasukan niya dahil sa mga magulang niya. Ang lola ko ay matagal na nanilbihan sa pamilya Piemonte. Si lola ang nag-alaga sa daddy ni Kent simula pagkabata at siya na rin ang nanilbihan dito hanggang sa magkapamilya.

I was with my lola almost my whole life. Kwento ni lola sa’kin na apat na taong gulang ako nung iwan ako ng nanay ko sa kanya. Sabi daw nung nanay ko magtatrabaho daw siya pero simula nung umalis, hindi na rin nagpakita at nagparamdam.

Wala rin siyang nasabing impormasyon tungkol sa tatay ko kasi nabuntis na lang daw bigla yung nanay ko. So parang kabute pala ako kung ganun? Bigla na lang sumulpot.

I was so grateful and feel indebted kay lola kasi siya na ang nag-asikaso sa’kin mula nung bata pa lang ako at pinalaki niya ako ng maayos.

Dahil naninilbihan siya sa mansion ng mga Piemonte, hindi niya rin ako magawang iwan sa bahay mag-isa dahil walang pakialam yung mga kamag-anak namin sa amin kaya dinadala na lang ako ni lola sa mansion. Wala naman naging problema si lola sa’kin kasi behave ako at wala ring naging problema sa mga amo ni lola kasi sobrang bait nila.

There, I met Kent Davis Larioza Piemonte. I remembered the first time I saw him. He was opening his bottled water at hirap na hirap siyang buksan yun. We we’re at their mansion’s garden. Lumapit ako sa kanya and offered my help. I got his bottled water and opened it with ease. Bilib na bilib siya sa’kin nun. Well, weak lang talaga siya.

Dun nag-umpisa ang friendship namin. We play together. Laugh together. Eat together. Get madungis together. Until nagdecide ang mag-asawang Piemonte na isabay na rin ako sa pagpapaenrol kay Kent sa isang private preschool. Sila na ang sumagot ng school expenses ko simula nun. Sobra-sobra ang pasasalamat namin ni lola sa kanila kaya tumutulong na rin ako sa mga gawaing kaya kong gawin pero lagi ko rin namang hindi nagagawa dahil panay ang yaya sa akin ni Kent para maglaro.

Last year, binawian na ng buhay ang lola ko dahil na rin sa katandaan. Akala ko katapusan ko na rin dahil hindi ko alam kung kanino pa ako kakapit nang mawala si lola. Wala sa mga kamag-anak ko ang gustong kumupkop sa’kin. Nagpapasalamat na lang ako na hindi na nila pinag-interesan yung maliit na bahay na iniwan sa’kin ni lola. At least may matitirhan pa rin ako kahit mag-isa.

If There's a Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon