Sobrang sakit na ng likod, mga braso at paa ko dahil sa ilang ulit na pagbagsak sa tubig. Feeler naman kasi kami masyado ni Kent at nagawa pa naming magsurfing sa beach. Maganda raw kasi ang panahon at matataas ang alon kaya perfect para magsurf. Akala mo naman kegagaling naming magsurf ng kumag kaya nagrent kami ng surfing board. Kumuha rin kami ng tig-isang instructor para may magturo sa amin ng basics. Pero sa ilang oras namin sa dagat, sakit ng katawan lang ang nakuha ko.
Pero iyong si Kent, nagawa nang tumayo sa board at magbalanse ng ilang minuto habang sumasabay sa matataas na alon.
E bakit ako? Pareho naman kaming first timer pero ni tumayo sa board hindi ko nagawa! Puro lang ako paddle. Hanggang doon lang. Nakakabanas!
“Ayos lang ‘yan, ma’am. Balik na lang ulit kayo rito. Sa susunod gagaling din kayo,” ani manong Bebot, ang surfing instructor ko. Kanina pa niya ako chinicheer kasi frustrated na talaga ako. Sunog na ang balat ko dahil sa pagkakabilad sa araw at ilang timba na ng tubig-dagat ang nainom ko, hindi pa rin ako natuto.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Sana nga po, manong. Gusto ko talagang matuto,” malungkot kong sabi sa kanya. Nakasalampak na lang ako sa may buhanginan habang ang board na ginamit ko’y nasa gilid ko. Nakatayo naman si manong Bebot sa may gawing kanan ko. Pareho naming pinapanuod si Kent na ineenjoy ang pagsabay sa alon. Nakakainggit talaga pero masaya ako para sa kanya. Ang bilis niyang natuto. Sana all na lang talaga!
“Jane! Wooh!” malakas na sigaw ni Kent habang naka-upo sa surfing board niya. Kakatapos lang niyang gawin ‘yong stunt na tinuro sa kanya ng instructor niya. After a few tries, nagawa niya agad ng maayos. Napapalakpak pa ang instructor niya dahil sa galing niya at bilis na matuto.
Kumaway ako sa kanya bilang sagot sa pagtawag niya sa’kin. Kahit medyo malayo kami sa isa’t isa, kitang-kita ko ang nagniningning na abs niya! Ang mokong kasi topless. Sobrang flaunted ang anim na pandesal niya na sabi niya’y malapit ng maging walo. Abnormal talaga. Nakaboard shorts lang siya at kung titingnan mo’y parang modelong rarampa para sa men’s summer collection. Samantalang ako, pinagsuot ba naman ako ng rash guard dahil baka makakuha raw ako ng atensyon mula sa mga tao rito. Hindi raw ako magandang tanawin kaya dapat ibalot at itago. Napakamapanglait lang talaga niya.
“Sigurado kayong magkaibigan lang talaga kayo ni sir Kent, ma’am?” tanong ni manong Bobet. Napatingala ako sa kanya kahit masakit na sa mata ang sinag ng araw. Grabe kasi! Mukha ata akong hindi sigurado dahil napatanong si manong. Nakakaloka!
Minsan nasasanay na akong napagkakamalan kaming magjowa ni Kent. Hindi lang kasi iisang beses na may nagtanong sa amin dito kung boyfriend ko raw ba siya. Parang kanina lang habang nag-aalmusal kami sa seafood restaurant, isang matandang mag-asawa ang nagtanong kung magjowa raw kami. Syempre todo tanggi ako. Although pabor sa kagustuhan ko sana ‘yong isipin nilang kami dahil nakakadagdag ng kilig ko ‘yon pero kailangan kong i-deny agad lalo na’t pinapanood lang ako ni Kent kung paano ko itanggi.
Nakakaloka naman kasi siya, hindi lang magsalita para matulungan akong magdeny. Hinahayaan lang ako. Tas ganoon ulit ang nangyari habang inantay namin yung staff na nag-assist sa amin para makakuha ng surfing instructor.
Kung ako lang talaga, hahayaan ko silang isipin na boyfriend ko si Kent para naman mag-back off ‘yong mga higad na nakabikini na kung makatingin sa kanya e parang gusto nilang lingkisin at sipsipin si Kent. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
If There's a Lifetime (Completed)
Roman d'amourFor Jane Faith Aquino, it wasn't the red lights, nor the timing that was bad, but it is the countless times she hesitated. She was afraid to tell her best friend about her feelings because she was anxious of losing what they have. Now, she suffers...