Sapphire's POV.
"Ma, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay mama habang busy siya kaka-impake sa mga gamit.
"Aalis na tayo dito, Sapphire. Kailangan na nating pumunta ng maynila, doon ka na rin mag-aral." ani mama habang pinagpatuloy parin ang ginawa.
"Ano? Pero ma, ayaw ko ro'n. Mas gusto ko rito."
"Oh, sige nga." huminto siya sa pag-impake. "Anong balak mo'ng gawin 'pag dito lang tayo? Tumunganga at hintayin na babangon d'yan sa hukay ang iyong ama para mabigyan tayo ng makakain?" sigaw niya sakin kaya natahimik ako. "Mag-ayos ka na, iilang minuto ay may susundo na sa'tin." dugtong pa nito at lumabas.
Wala akong nagawa, ginawa ko ang gusto ni mama. Iisa lang ang kwarto sa bahay na nerentahan namin. Iisang kwarto na meron na lahat. Kusina, banyo, higaan lahat-lahat makita mo na kapag papasok ka sa loob.
"Tapos ka na?" tanong ni mama nang makapasok ulit sa loob. Tumango ako sa kanya at dinala ang maleta.
"Ma, sigurado ka na ba dito?" tanong ko ulit. Nasa kalsada na kami. At tanging sasakyan nalang ang hinintay namin.
Tumango siya at malungkot na tumingin sa'kin. "Ito lang ang tanging paraan para makahinga-hinga tayo sa hirap. Gusto ko man na magbago ang isip ko, pero...hindi tayo mabuhay dito anak." nakita ko ang pagbagsak ng luha ni mama.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naawa ako kay mama, simula nung mamatay si papa, pilit niyang ibinigay sakin ang lahat ng pangangailangan ko pero hindi parin sapat ang lahat.
"Naintindihan kita ma. Kaya kahit labag sa loob ko, payag na ako. Kahit anong decision man ang gawin mo, hindi na ako tututul. Mahal kita ma,"
"Salamat, anak. Ikaw nalang ang meron ako. Ikaw nalang ang lakas ko..."
"Ma..."
Hindi nagtagal ay may dumating na magarang kotse. Sa boung buhay ko, ngayun lang ako makasay nito. Simula ng magkaisip ako, hirap at halos walang makain Ang kinagisnan ko.
"Anak, may problema ba?" tanong ni mama sa gitna ng byahe.
Umiling ako at sumandal sa kanyang balikat. "Wala ma... Inisip ko lang kung ano ang magiging buhay natin sa manila. Kung anong kaibahan dito sa probinsya at doon sa maynila." malungkot ko'ng turan. Puno ng curiosity ang tumatakbo sa aking utak.
"Malalaman mo rin 'yan, kasi papunta na tayo du'n ngayun." Anito at marahan na sinuklay-suklay ang aking buhok gamit ang kanyang kamay. "Matulog ka muna anak, malayo-layo pa naman tayo."
Tango lang ang binigay ko sa kanya at pumikit.
Biglaan ang naging decision ni mama. Ngayun lang siya nagkaganito. Lahat ng problema sinabi niya sa'kin, pero itong problema niya ngayun ang hindi ko alam.
"Gumising ka na anak." marahan na pagyugyog ang gumising sa'kin at ang malungkot na boses ni mama.
"Hmmm..."
"Gumising ka na, nandito na tayo sa bago nating bahay." ani mama na ikinagulat ko.
Bagong bahay? Hindi ko maisaisip kung paano. Sa probinsya nga wala kaming bahay, dito pa?
"M-ma, p-paano? P-paano natin naging bahay 'to? Isang mayaman lang ang magkaroon nito, at siguradong hindi tayo 'yun." wika ko nang makapasok kami sa loob.
Lahat ng makikitang gamit sa loob ay mamahalin. Mukhang kahit hawakan ko lang ang isa sa mga 'yan, millioness na ang mabawas sa'kin.
"Pwes ngayun, naging sayo na." Napalingon ako sa nagsasalita, at nakita ko ang isang lalaki na pormang-porma. Halatang mayaman, kutis palang malalaman mo na talaga agad kung saan o ano ang pinanggalingan.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...