Sapphire/Krystal's POV.
"Krystal! Asan ka na? Kanina pa ako naghintay sa'yo dito!" sigaw ni Jamie sa labas.
Pupunta kami ngayon sa isang favorite restaurant namin dito sa States.
9 years na ang nakalipas simula no'ng na-operahan ako, pero hanggang ngayon hindi parin kami nagkita ulit ni Hanz. Halos 2 years din akong hindi makapag-move on, pero kalaunan ay nagawa ko rin. Kung noon ay hindi ako komportableng hindi siya makita, ngayon naman ay komportableng-komportable na ako. Pero hindi ko parin maiwasang hindi siya maisip, at hindi siya mamimiss.
"Ano ba 'yan?! Ang tagal-tagal mo naman dyan sa kwarto mo! Para namang paglabas mo dyan ay ikaw na ang dyosa sa kagandahan!" panimulang pagsermon ni Jamie.
She used to be like that simula no'ng nakalabas ako ng hospital, palagi nalang niya akong sermonan. Minsan nakakainis, pero nakita ko naman ang kaniyang pagiging sweet.
Simula no'ng natapos ang Operasyon hindi na pumayag sila mommy na umuwi ako ng pilipinas. Mas gusto raw nilang dito muna ako hanggat magiging okay na at maging matured na raw ako.
"Jamie! Hindi pa ba kayo tapos dyan?" sigaw ni Krystel sa labas. As usual, kasama niya si Kyle. After no'ng nakulong siya ng panandalian ay unti-unti silang nagkalapit ni Kyle. Pero as usual, sila naman talaga ang nagkasama noon ng matagal, kaya alam nila kung saan ang soft spot ng isat-isa.
"Hindi pa, Ito kasing si Krystal, nagpaganda pa sa loob."
"Uy! hindi, ah!" madali kong saad na tinawanan lang nila.
"Let's go, Sweetheart. Para marami pa tayong magawang ibang games, 'yong hindi lang isa." bulong ni Kyle kay Krystel na narinig naman namin.
"Okay. Ano, Tara na?" baling ni Krystel samin.
Tumango naman kami kaya nauna na silang naglakad palabas.
Napabaling naman ako kay Jamie nang pumulupot ang kanyang kamay sa braso ko.
Kumunot ang noo ko. "What was that?" natatawa ko'ng tanong.
"Tss! Tayo nalang ang lovebirds! Sweet nila, eh! 'e tayo? Walang jowa!" She pouted.
"Heh! Inggit ka naman dyan! Ligawan mo nalang kaya si Hedrix, single 'yon!"
Papasok na kami ngayon sa kotse. Si Kyle ang magd-drive, at nasa front seat naman si Krystel. kaming dalawa naman ni Jamie sa Backseat.
Pagkarating namin sa Restaurant, nagsimula na kaming kumain. Si Jamie ay panay ang subo habang nakapout at ang dalawa sa harap namin ay nagsusubuan. Oh 'diba? Parang nang-iingit lang ang mga kingina!
"Sweetheart, saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?" Tanong ni Krystel.
"Ikaw? Saan mo gusto?"
"Kahit saan, Basta nando'n ka!" Hirit naman ni Krystel.
Napairap nalang ako sa ka-corny-han nila. Hindi ko mapasok-pasok sa isip ko na maging ganito sila ka-corny. Si Kyle na matured noon, ay naging isip-bata. WTH!
"Sorry, late na ba ako?" Agad akong napalingon sa nagsasalita. Si Hedrix.
Palagi siyang pumunta dito sa States dahil may bahay naman daw sila dito. 3 days in a month siya pumupunta dito, kaya hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong umasa na sumama sa kanya si Hanz para makita ako. Pero, hindi. As usual, no'ng Operasyon nga sa'kin hindi siya sumama, Ito pa kaya?
"Hindi, nasa time ka pa," sabi ko at nginitian siya.
Sa nakasanayan ko, tumingin ako sa kanyang likuran. Pero bagsak ang dalawang balikat ko nang katulad parin ng dati. Wala paring Hanz na sumunod kay Hedrix ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...