Chapter 32

784 36 1
                                    

Sapphire's POV

Agad akong napaatras, pero hindi ko magawa dahil biglang sumakit ang ulo ko kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

"Maging ako muna si Krystal, at ikaw muna si Krystel." biglang sumagi sa isip ko na mas lalong nakapagpasakit sa ulo ko.

"Ahh! Ang sakit!" pamimilipit ko sa sakit. Hindi ko na kaya, napaupo na ako sa sahig.

"Krystal! Krystal! Krystal!" pagbanggit niya sa pangalan ko at sinabayan pa niya ng malakas na tawa. "I have been waiting for this opportunity for a long time. Gustong-gusto na kitang saktan!" aniya at dahan-dahang lumapit sakin.

Kahit na namimilipit ako sa sakit ng ulo ko ay pilit parin akong lumayo sa kanya.

"W-wag kang . . . wag kang l-lumapit." nauutal ko'ng saad. "S-sino ka?" tanong ko sa kanya.

"My dear little twin sister. Hanggang ngayon ba, isa ka paring tanga?" pang-iinsulto niya sa'kin.

Sister? Sino? Siya?

Bigla na namang sumakit ang ulo ko at naging blurred na ang paningin ko. Nagpaulit-ulit na sa pandinig ko ang huling mga katagang sinasabi ng babaeng kaharap ko.

"Ako muna si Krystal, at ikaw muna si Krystel."

"B-bakit?"

"Gusto ko lang. I want to be you first. Please, pagbigyan mo na ako! Ikaw muna si Krystel." wika no'ng babaeng sa tingin ko ay si Krystel. At ang Isa naman ay si Krystal. Magkaparehong-magkapareho ang kanilang mukha. Ang nagkakaiba lang ay ang kanilang mga buhok. Dahil ang buhok ni Krystal ay kulot ang bandang dulo at ang kay Krystel ay straight na straight.

"Bakit nga? Bakit gusto mo'ng maging ako?" tanong ni Krystal.

"Sinabi ko na nga sa'yo 'diba? Gusto ko'ng maging ikaw muna, Is that difficult to understand?"

Umiling naman si Krystal. Agad na napangiti ng malaki si Krystel. "So, ibig sabihin ba n'yan, payag ka na?" natutuwa niyang tanong. Nang tumango si Krystal ay agad na napalukso siya sa saya.

"Salamat. Ang swerte ko talaga dahil naging kapatid kita." nakangiting asik ni Krystel at agad na niyakap si Krystal.

Kahit labag sa loob ni Krystal ay ngumiti na din siya.

"Dito muna ang kwarto mo. Magpalit na tayo. At simula ngayon, mga damit ko na ang soutin mo. At dapat, katulad sa'kin ang porma mo." pag suggest ni Krystel. "And your hair." nakatungo si Krystal pero agad rin niyang naangat ang kanyang tingin kay Krystel.

"Hindi pwede. Okay nang pumayag akong makipagpalit muna sayo, pero.. ayaw ko na pati buhok ko pagtripan mo." pigil ni Krystel.

"But..."

"Krystel, Even if it's just this?" nagmamakaawang sabi ni Krystal.

"Okay, fine. Tss! pumunta ka na nga sa kwarto ko. Baka makilala ka pa." inis na saad ni Krystel. Aalis na sana si Krystal pero, agad na nagsalita si Krystel.

"Let's change clothes." pahabol pa niya.

"Pero.."

"Just do it. Pinagbigyan na nga kita dyan sa buhok mo."

"S-sige."

Nang matapos magbihis ay pareho silang lumabas. Nakita nila ang isang babae na kaparehong-kapareho ng mukha ni mama. Nakangiti si mama sa dalawang Bata.

"My beautiful princesses." ani mama sa dalawang bata. Napangiti naman ang dalawa at yumakap kay mama. "Krystal," wika ni mama at bumaling kay Krystel na ngiting-ngiti.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon