Chapter 8

1.2K 53 2
                                    

Sapphire's POV.

Kasalukuyan nang magmap si Kyle nang tumunog ang kanyang cellphone, tumingin siya saglit sa'kin bago ito sinagot.

"Hello? Yes, this is me...what?...okay just tell them that im on my way," hindi naman masamang makinig 'diba? Ang lakas din kasi ng boses kaya dinig na dinig ko.

Nang maibaba na ni Kyle ang tawag ay nag-aalalang tumingin siya sa'kin. "Sapphire, I need to go home now. May emergency sa bahay, they need me. I'm sorry for leaving you now, tapos naman na 'to papuntahin ko nalang ang isa naming kasambahay para tulungan ka sa labahan." alaalang alala ito sakin na para bang isang galaw ko lang mabinat na ako.

"'Wag na Kyle, salamat talaga sa pagtulong. Tsaka, 'wag mo ng papuntahin 'yong kasambahay niyo, okay na ako dito lalo na't kunti nalang tapos na. Salamat talaga,"

"Okay, if that's what you want, then," tinanggal niya ang kanyang apron, "I badly need to go, by the way, susunduin kita bukas Sapphire." tango nalang ang sinagot ko sa kanya bago tuluyang makalabas sa bahay.

Ramdam ko na rin ang pananakit ng aking katawan, naisipan kong umakyat muna para makapag-relax kahit sandali lang.

Ang dali kong mapagod gayong si Kyle naman talaga ang gumawa ng lahat, hayst!

"Sa wakas," parang batang wika ko nang ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama.

Gusto kong matulog, ngunit unti-unting pumasok ang mga bagay-bagay mula umpisa na napunta ako dito, ayaw ko ng balikan 'yon pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga 'yon.

"YOUR NOT FIT IN THIS HOUSE! your mother is a slut!"

"Gold digger!"

"Bitchy, slut!"

Agad na nangilid ang luhang nagbabadyang lumabas saking mata. Gustong-gusto ko ng sumuko, gusto kong ipaglaban si mama laban sa masasakit na mga salita nila. Pero, hindi ko magawa dahil ako mismo, ang sarili ko 'diko maipaglaban dahil sa isa akong mahina. Gustong-gusto ko ng dalhin si mama sa kung saan at mamuhay ng tahimik, 'yong walang nanghusga samin. Pero paano? Wala akong pera, walang-wala kami at walang choice kundi manirahan dito at tanggapin lahat ng ibato nila samin na panghuhusga.

Sumandal ako sa headboard at tahimik na pinapakalma ang sarili, kung sana buhay pa si papa hindi sana kami magkaganito.

“Papa, i miss you. Sana hindi mo nalang kami iniwan, nahihirapan na po ako. nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon, pa.”——parang bata na nagsusumbong ako kay papa.

Unang bungad din sa KU nahihirapan na akong makisabay dahil na-bully kaagad, saan ba dapat ako lulugar? Saan ko ba pwedeng isiksik ang sarili ko? Sobrang hirap makisabay sa mga mayayaman, Ang hirap.

Tatlong katok ang nagpagising sa'kin, hindi ko pala namalayan na nakatulog na ako. Siguro dahil narin sa pag-iyak at sa sakit ng katawan kaya 'diko na namalayan.

Kahit na masakit parin ang aking katawan, tumayo parin ako at pinagbuksan si Manang kakay na hinihingal.

Agad ko siyang dinaluhan, wala akong sariling ref pero may tubig naman na sa aking kwarto kaya kinuha ko 'yon at binigay sa kanya.

"Kalmahan mo muna Manang, okay?" tumango naman sya. Nang makita ko na okay na siya ay naisipan ko na siyang tanungin. "Anong nangyari at hinihingal ka Manang?"

"'Yon nga, hija. Lasing ngayun si Sir, nasa baba siya. Gustuhin ko man na tulungan ka, pero hindi pwede dahil may importante akong puntahan." mahaba niyang litanya.

Kumunot ang noo ko, "'Wag kang mag-alala Manang, andyan naman siguro si Hedrix para asikasuhin 'yang kapatid niya."

"Iyon nga ang problema, hija. Nagpaalam si Sir Hedrix na aalis at bukas pa ang kanyang dating, kaya ikaw nalang talaga ang inaasahan ko na mag-asikaso muna kay sir Hanz. Pasensya na talaga hija,"

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon