Chapter 33

791 44 1
                                    

Jamie's POV.

"Sapphire, how was, it?" tanong ko kay Sapphire. Tinukoy ko ang dala ko'ng ulam na niluto ni mama. Ito ang Isa sa mga paborito niya.

"Okay lang." kaswal niyang sagot at tumango-tango.

"Anong okay lang? Hindi mo ba sabihin na, masarap?" nag-pout pa ako sa kanyang harapan.

Nagkibit balikat siya at nilagay ang kutsara sa mesa. "'Yon naman talaga ang naramdaman ko. Do you want me to tell you more about what it tastes like?" inis niyang saad na ikinatahimik ko.

Tama naman siya. Bakit kailangang tanungin ko pa siya na alam ko naman na ang lasa. Ako pa nga ang unang tumikim, 'e.

"T-tinanong lang naman kita. Gusto ko lang malaman ang c-comment mo." mahina ko'ng anas.

"Then, my answer is yes. Sapat na ba 'yon sa'yo?" she said.

Sapphire was like that for five days. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko'ng may tinatago siya.

Tumayo siya at kinuha ang kanyang shoulder bag sa mesa.

"A-aalis ka na?" napatingin ako sa dala ko'ng ulam para sa kanya. Maliit pa lang ang nakuha. "Hindi mo pa nakain 'yan, oh. Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nakita mo naman na tinikman ko na, And I also said that taste. hindi pa ba sapat 'yon? If you want, dalhin ko nalang 'to."

Akmang kunin niya ang nilagyan ko ng ulam pero agad ko naman siyang pinigilan.

"H-hindi na, dalhin ko nalang pauwi."

"Okay, if you say so." aniya at agad na umalis.

Nitong nakaraan ramdam ko ang pag-iba niya. Kung naalala na niya ang lahat ng nangyari, tanggap ko rin naman 'yon. Tanggap ko ang mga masasakit na salitang ibabato niya sakin. Pero 'di ko parin maiwasang hindi masaktan.

Kailangang makomperma ko kung ano ang dahilan at nag-iba siya.

Agad na akong tumayo at hinawakan ang kanyang braso. Wala ng mga estudyante dahil oras na ng klase kaya walang nakapansin samin.

"What?" inis niyang turan, tiningnan pa niya ang kanyang braso kung saan ako nakahawak. "What is this again?"

"Sabihin mo sa'kin, naalala mo na ba?" tanong ko na agad niyang ikinaiwas. Hindi pa man siya sumagot, pero alam ko na ang sagot.

"Now I know kung bakit ka nagkaganyan." patango-tango ko'ng sabi at binitawan siya sa kanyang braso.

"Alam mo naman pala, 'e." aniya na para bang nang-iinsulto. Agad na nanalaytay ang kaba sa aking dibdib. This is it. Ang matagal ko ng pinaghandaan. "Why did you do that, b-bakit?"

Agad akong napaiwas ng tingin. Ito na ang tamang panahon. Ito na ang pagkakataon na makahingi ako sa kanya ng tawad.

"I'm sorry." deretsang sabi ko.

"Bakit hindi mo niligtas si Krystel? Magkaibigan tayo, Jam. But why did you do that? Bakit hindi mo siya niligtas!" sigaw niya. Naagaw narin namin ang atensyon ng ibang tendera.

"I'm sorry, okay? Krystal, hindi ko kayang iwan ka. Ikaw ang naghingalo no'ng panahon na 'yon! Hindi . . . hindi ko kayang mawala ka para sa kaligtasan ni Krystel. Hindi ko na alam ang gagawin no'n,"

>>FLASHBACK<<

Ngayong araw na ang punta namin sa probinsya, si Tito Gerald ang puntahan namin dahil doon niya kami pinabakasyon. At isa pa, birthday rin niya. Magpinsan sila ni Tito Ferdinand pero nag-iisa lang siya do'n sa probinsya. Walang asawa, walang anak at walang mga kamag-anak do'n. Kaya para maibsan ang kanyang lungkot, doon nalang kami magbakasyon.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon