Chapter 5

1.4K 56 1
                                    

Sapphire's POV.

Boung byahe ay tahimik lang kami. Nang makarating sa mall, agad na naming binili ang lahat ng kakailanganin. Bilib din ako sa kanya, kakakilala palang namin pero naging mabait na siya sa'kin. Hindi katulad nila Hanz na agad kaming hinusgahan.

"Jamie..."

Tumingin siya sa'kin. Nasa kalagitnaan kami ng b'yahe ngayun papuntang KU.

"Hmm?" tanong niya.

"Ah, kasi..."

"Gutom ka na? Uh..wait, tawagan ko muna si Manang Des." aniya at kinulikot ang kanyang cellphone.

Gusto ko'ng tanungin ang tungkol sa Krystal na tinutukoy niya, pero 'wag nalang baka sabihin na nakikialam pa ako.

"Manang,"

"Oh, Jamie, hija. Napatawag ka?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Manang, pakihanda ng favorite food ko. Pakiramihan na rin dahil may kasama po ako," magalang na pagkasabi ni Jamie sa kausap.

Nakinig lang ako sa kanila habang tiningnan ang labas. Hindi ko mawari kung paano, pero may kabilang side sa'kin na naging familiar ang lahat ng paligid.

Noong 13 years old ako nagkamalay. Iwan ko pero, sa loob ng 13 years na nakalipas hindi ko maalala. 'pag tanungin ko naman si mama at si papa sabi nila ay normal lang daw 'yun sa isang batang katulad ko. At ngayun, mas lalo akong nagtaka dahil sa mga naging familiar sa'kin....o baka naman, noong past life ko ay dito ako nakatira. Hmmm, baka nga. Ano kaya ako noon? Mayaman? Hindi hinusgahan? Arghh..nakakabaliw.

"We're here," agad akong mapabaling kay Jamie. Tinanggal na niya ang kanyang seatbelt kaya gano'n din ang ginawa ko.

Ako ang nagdala sa lahat ng pinamili ni Jamie para sa'kin. Nakakahiya naman kung pati siya magdala narin, nilibre na nga ako tas' pahayahay pa.

"Dito tayo uupo." aniya't nauna ng umupo.

Nasa kasulok-sulokan kaming bahagi. Malayo sa mga estudyante.

"Diti tayo uupo para iwas away,"

"Ah.." hindi ko alam ang sasabihin ko. "Salamat talaga sa mga pinamili mo, ah."

"Tss, wala 'yun," aniya. "Manang, pakidala na lahat." wika niya. Namataan ko naman ang matanda na nagdala ng tray, agad ko itong sinundo.

"Ako na po," nakangiti ko'ng wika. Nag-angat siya ng tingin at gano'n nalang ang pagkagulat na rumehistro sa kanyang mukha ang nakikita ko.

"Jusko, mahabaging langit!" aniya at muntikan ng mabitawan ang tray na dala niya mabuti nalang at hawak ko na ito.

"A-ano pong problema?" tanong ko sa kanya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil sa hindi ko malaman na dahilan, lumapit si Jamie sa'min.

"Manang, ayos ka lang?" tanong agad ni Jamie at agad inalalayan ang babaeng medyo may katandaan na.

"J-jamie, h-hija. Sabihin mo sa'kin, t-totoo ba itong mga nakikita ko o guni-guni ko lang?"

Mas lalo akong nagtaka.

"A-ano pong ibig niyong sabihin, m-manang?"

"Oo, manang. Pero mali po kayo ng iniisip. Siya si Sapphire Soriano at Hindi si Krystal na kilala natin." malumanay na sabi ni Jamie. Inalalayan na niya si Manang papaupo sa upuan namin.

"Pero hindi ako maaaring magkamali! Siya si Krystal."

Ibinaba ko ang tray at nagtaka paring tiningnan si Manang na kasalukuyang uminom ng tubig.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon