Chapter 36

850 44 2
                                    

Sapphire/Krystal's POV.

Tama si Krystel! Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dapat sisihin dahil kung wala ako, hindi dapat magkaganito. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero hindi ko naman kayang Ibigay sa kanya ang buong pagkatao ko. Ayaw kong maging siya. Ayaw kong Ibigay ang meron ako ngayon. Kahit kunin na niya ang lahat sa'kin nang meron ako noon, 'wag lang ngayon.

"Krystal..."

Masakit ang ulo ko kaya kung ano-ano na ang nasa isip ko. Nitong nakaraan, hindi ko na alam kung anong nangyari sa labas. Wala na akong balita kung ano ang mga pinanggagawa ni Krystel sa labas.

"Krystal, gumising ka," agad kong naimulat ang mata ko nang marinig ko'ng may bumulong. Akala ko guni-guni ko lang pero...

"K-kyle, bakit ka nandito? P-paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko kay Kyle habang busy siya sa pagtanggal sa tali na nakatali sa'kin.

"Sabihin ko sa'yo mamaya, pero kailangan na nating umalis dito. Hindi dapat nila tayo makita." bulong ulit ni Kyle, kasabay ng pagtanggal niya sa tali. Pagkatanggal ay naramdaman ko pa ang pamamanhid ng kamay ko.

"Tara--" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kyle. Agad ko na siyang niyakap.

Oo, aaminin ko. Namimiss ko na si Kyle. Namiss ko na 'yong dati, pero alam ko naman na hindi na pwedeng ibalik.

"Kyle, maraming... maraming salamat." wika ko at kasabay ng pagtulo ng luha sa aking pisnge. "Salamat sa lahat, salamat dahil kahit... kahit binalewala kita nitong nakaraan, nandito ka parin para tulungan ako," patuloy ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko. "Wala 'yon, Krystal. Ang importantante, makalabas na tayo. Tara..." aniya at hinila na ako.

Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisnge ko.

Natutuwa ako dahil walang nagbago kay Kyle. Simula noon hanggang ngayon, gano'n parin siya.

Madilim ang paligid, patuloy parin kami sa pagtago ni Kyle. Lalabas na sana kami nang may kumaluskos.

"Shh..." iminuwestra pa ni Kyle ang kanyang daliri sa kanyang labi para hindi ako gagawa ng ingay.

"Nasaan na?" dinig naming boses ng isang lalaki.

Ramdam ko na ang panginginig ng buo ko'ng kalamnan. Natakot ako! Natakot akong mabalik ulit do'n.

"Nakatakas," mahinang sambit ng isa pang boses ng lalaki.

"Lapastangan! Noong una nakawala, hanggang ngayon parin ba tanga ka parin?!" sigaw ng kung sino.

Hanggang ngayon? Biglang nanlambot ang tuhod ko ng ma-familiar ko ang boses ng pangalawang lalaki.

Sa kotse, 'y-yong unang araw ko palang sa Krystal at nag taxi ako. Hindi! B-bakit sa kanila na naman ako napunta? Talaga bang nakatadhana sakin na mapunta sa kamay nila?

"Boss, pasensya na talaga. Akala ko, nandyan parin kanina--"

"Mga dakilang putrages! Ngayon pa nga lang binigay ni boss satin 'yan at nakawala na agad?"

"B-boss-- p-pasensya na--"

"Tumigil ka! Hanapin niyo sa kung saan mang kasulok-sulokan ang babaeng 'yon! Siguraduhin niyong matagpuan niyo! Kung hindi," saglit siyang tumigil. "Papasabugin ko ang isa sa mga bungo ninyo! Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-opo, boss!" sigaw ng iba pa.

Nang mapansin naming nagsialisan na ang lahat ay dahan-dahan ang paggalaw namin ni Kyle. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang braso.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon