Chapter 2

1.7K 59 25
                                    

Sapphire's POV.

"This is all your fault! Nakakasira ka ng gana, alam mo ba 'yon? Kung iisipin, isa ka lang basura, eh. kaso, ang malas namin dahil imbes na itapon ang isang katulad mo, napunta pa samin." galit na turan ni Hedrix sa kalagitnaan ng aming byahe papuntang Krystal University o KU.

Gaya nga ng sinabi ni Tito kahapon, siya ang naghatid sakin ngayun sa sinasabing Krystal University. At kanina parin panay ang pagsasalita ni Hedrix na puro sisi ang mga lumabas sa kanyang bibig. hindi kasi pumasok ngayun si Hanz, mukhang napuruhan ng isang suntok ni Tito. Ang angas, pero may kinakatakutan din naman pala.

"ARE YOU LISTENING?!" sigaw ni Hedrix dahilan para magulat ako.

Kailangan pang pakinggan lahat ng sinasabi niya, e puro pansisisi lang din naman.

"S-sorry, m-may inalala lang." paghingi ko ng paumanhin dito.

"I don't care! wala akong paki kung may iniisip ka or what, ang tanging gusto ko ngayon, leave!" sigaw niya ulit na parang mapunit ang eardrums ko sa lakas.

Lalaki naman sana siya, pero kung makasigaw wagas!

"P-pero, sabi ni Tito...s-samahan mo ako d-diba?" nauutal kong wika. Napahawak siya sa tungki ng kanyang matangos na ilong at inis na tumingin sa'kin.

"Get out! Your getting into my nerves woman."

"Pero hindi ko kabisado ang...ang pasikot-sikot dito."

"Maghanap ka ng paraan. Hindi ka naman siguro bobo. Tss!" aniya at nauna ng bumaba.

Oh! Hindi ako marunong magbukas ng pinto. Hindi ko alam kung doon rin ba ako lalabas sa nilabasan niya.

Shet! Ang hirap talagang maging mahiral, ignorante sa lahat ng bagay!

Isang katok ang ang nagpalingon sakin sa salamin. Napalingon naman ako dito at mukha ni Hedrix ang bumungad sa'kin. Pulang-pula na ito animoy bubuga na ng apoy. Bumubuka pa ang kanyang bibig pero 'diko naman maintindihan kung ano 'yon dahil 'diko marinig.

"Hindi ako marunong magbukas!" sigaw ko. May sinenyas siya. Pero, hindi ko talaga marinig.

Kita ko pa ang paggalaw ng kanyang panga at lumapit sa kabilang pinto at binuksan iyon.

"D'yan ka lang ba? Wala kang balak lumabas?" galit niyang tanong.

Umiling ako. "H-hindi kasi ako marunong magbukas." wika ko nalang nang makalabas ako, napakamot pa ako sa batok dahil sa hiya.

"Tss,what a probinsyana girl!" aniya at nauna ng maglakad.

Pagpasok namin, sobra akong namangha. Ang gandang tingnan sa loob ng school. At kapag papasok ka palang may bumungad na WELCOME TO KRYSTAL UNIVERSITY na sobrang ganda ng pagka lettering. May mga nakahelera din na mga puno sa gilid na makikita mo talagang sobrang inalagaan ito.

"FASTER! 'wag mo'ng sabihin na hindi ka marunong maglakad? Baka gusto mo'ng buhatin pa kita para makaabot tayo sa deans office?" salubong ang kanyang kilay. Parang araw-araw lang na may dalaw dahil palaging nakasigaw at wala sa mood.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para ma sundan lang ang kanyang napakalaking hakbang.

At sa wakas, huminto na rin siya sa magarang classroom. may nakapaskil na DEAN'S OFFICE sa ibabaw ng pinto. Pumasok siya do'n kaya sinunod ko rin siya.

Saglit silang nag-usap ng isang medyo may katandaan na babae na sa tingin ko ay iyon na ang dean.

"So you are?" tanong nung Dean.

"Sapphire Sanches Soriano, po." sagot ko rito.

"Hija, umupo ka muna dito." aniya at iminuwestra pa ang bakanteng upuan na nasa harap niya.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon