Chapter 42

966 45 7
                                    

Sapphire's POV.

"H-hanz..." mahina ko'ng anas. Mukhang nakuha naman ko naman agad ang kanyang atensyon kaya napalingon siya sa gawi ko.

May kaunting emosyon akong nakita sa mata niya pero agad din naman 'yong naglaho.

Naalala ko 'yong mga panahon na wala siyang ginawa ni minsan para lang mapuntahan ako. Wala siyang ginawang paraan para makita at makausap man lang ako. Kaya imposibleng mamimiss niya ako katulad ng nararamdaman ko. Ako lang ang nakaramdam nito, at siya hindi. At 'yon ang matagal ko ng pin-rac-tice. At 'yon din ang kinakatakutan ko. Ang makita siyang ganyan.

"Ehem!" rinig ko'ng tikhim ng isa sa mga kasamahan ko.

Umiwas ako ng tingin kay Hanz at lumapit kay Hedrix na kakababa palang niya kay Jamie.

"A-aalis na ako. Nagbago bigla ang isip ko, may iba pa pala akong gagawin." Pagdadahilan ko.

"Ano? Pero, Krystal. Hilong-hilo na ako. Hindi ko na kayang maglakad palabas." Ani Krystel.

Lumingon ako sa kanya at tumango-tango. "Okay lang naman na ako nalang ang aalis. Dito nalang kayo matulog--"

"No! Stay here. Ako nalang ang aalis."

Napalingon ako kay Hanz. Nakatayo na siya habang nakapamulsa.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Hindi ko gusto ang kilos ni Hanz ngayun. Ang laki ng pinagbago niya.

"Hindi. A-ako nalang..."

Hindi pa ako nakatapos sa pagsasalita ay agad na siyang naglakad paalis.

Nag-practice na ako nito, eh! At, naka move-on narin ako sa kanya. Pero, sabi ko nga. Nakita ko palang ang mukha niya, biglang naglaho ang lahat.

"K-krystal..." Untag ni Krystel sa'kin.

"O-okay lang ako!" Sabi ko at ngumiti ng peke sa kanila. Nakita ko naman ang kanilang mga mukha na sobra ang pag-alala. "Ano ba! Okay nga lang ako! 'w-wag kayong mag-alala." Wika ko at nagsimula na sanang maglakad paakyat, pero naalala ko na wala nga pala akong kwarto dito dahil hindi ko naman 'to bahay.

"Sa huling kwarto na nasa kanan.  Dun ka muna matulog."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tsaka tumango bago tuluyan ng umakyat sa taas.

Pagkarating ko sa kwarto ay humiga na ako agad.

Pilit ko'ng pinikit ang mata ko pero nagpaulit-ulit parin sa isip ko ang emosyon ni Hanz. Ni hindi nga gumuhit sa kanyang mukha ang saya ng makita ako.

Eh bakit nga naman? Hindi naman naging kami no'n, e. Sadyang umasa lang ako ng todo.

BUONG gabi ay 'yon lang ang inisip ko hanggang sa hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok.

Pagkagising ko ay agad na akong lumabas. Hindi na dapat kami magkita ni Hanz. Talagang hindi na dapat!

"Sapphire?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang familiar na boses. nakita ko si Sabrina na nakangiting nakatingin sa'kin.

"S-sabrina..." Mahina ko'ng anas at kasabay ng pagbaba ko ng tingin sa batang lalaki na hinawakan niya sa kamay na sa tingin ko ay nasa 6 years old na ang bata.

"M-mommy? W-why she's looking at me?" Tanong ng bata sa kanya kaya agad akong napaiwas ng tingin.

9 years nga naman kaming hindi nagkita ni Hanz kaya hindi naman posibleng sila ang nagkatuluyan. Mahal nila ang isa't isa kaya nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Iwan ko pero hindi ko pa nga nakomperma kung ano ang totoo pero agad ng gumuhit ang sakit sa'king dibdib.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon