Sapphire's POV.
Bahala na si Batman! Agad na akong nagtatakbo sa loob ng kwarto ko. Hinanda ko na ang dapat kong dadalhin. Mabilisan narin ang ginawa kong pagligo pati pagbihis.
Nang makababa ako habang dala-dala ang maleta ay nakita ko silang lahat sa sofa. Except kay Hanz. Siguro galit siya sakin. Eh, kasalanan ko bang hindi ako nagising. Mabuti nga't nagising pa ako eh!
"Tagal ah!" asik ni Jamie na ikinairap ko.
"Nakalimutan ko." ikli kong sagot.
"Ikaw nag-imbita tapos ikaw ang nakalimot? Iba ka rin."
"Tumahimik ka nga d'yan, dapat nga na magpasalamat ka sa'kin dahil inimbita pa kita."
"'E kasi naman, ang tagal na naming naghintay sa'yo rito."
Tumayo na rin silang lahat, kasama rin pala sina Clyde at Cedrick.
Nays, mas masaya 'pag marami.
"Hi Sapphire, good morning!" masiglang bati ni Cedrick.
"Good morning."
"Good morning, Love!" asik din ni Clyde at lumapit sa'kin. Akmang hahalik siya sa aking pisnge nang batukan siya ni Hanz. "Aray! Ba't nananakit ka?" parang batang reklamo nito habang napakamot sa kanyang batok.
Napangiwi ako, ramdam ko ang sakit no'n dahil marinig, haha.
"Let's go, guys!" sigaw niya at nagpatiunang maglakad palabas.
"Problema no'n?" bulong ni Clyde sa'kin.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam."
Nang makalabas kami ay kanya-kanya sila ng sakay ng kotse. May dalang kotse si Clyde at nakisakay sa kanya si Cedrick. Si Jamie at Aimee ay sumakay sa I think kotse ni Hedrix 'yon.
"Saan ka sasakay, Sapphire?" tanong ni Jamie.
Naguguluhan din ako kung saan, halos lahat kasi puno na, except kay Hanz. At no way! Ayaw kong makisabay sa kanya!
"U-uy! Dahan-dahan naman!" sigaw ko kay Hanz nang bigla niya akong hinila.
"Nasaan ang maleta mo?" tanong niya ng ma-realize na hindi ko dala ang maleta.
Binawi ko ang braso mula sa kanyang pagkawak at marahang hinilot 'yon. Nananakit na talaga ang kinginang bading na 'to!
"Saan pa ba? Edi ro'n, kinaladkad mo kasi ako kaya naiwan."
"Pumasok ka na sa loob. I'll just get your suitcase." he said.
Wala na rin akong nagawa kundi ang umupo sa backseat.
Nang makabalik si Hanz, binuksan naman kaagad niya ang backseat at kaagad na kumunot ang kanyang noo.
"Why are you sitting here? Lumipat ka sa front seat." utos nito.
"Hayst, ang dami mo namang arte!" tinamad akong bumaba kaya nag-short cut na ako papuntang front seat.
"Tsk." tanging singhal niya lang ang narinig ko.
Nang makapasok siya sa loob ay kaagad niya na ring binuhay ang makina. Nag-busina na rin ang iba tanda na sila ang mauna na sinundan namin.
"You want something?" tanong ni Hanz sa kalagitnaan ng b'yahe.
"Wala—" kaagad din akong napatahimik nang tumunog ng malakas ang t'yan ko.
Taksil na t'yan, hindi nalang makisabay!
"Hihinto na muna tayo," asik niya.
Nagtaka ko naman siyang tiningnan. "Bakit, may puntahan ba tayo?"
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...