Chapter 21

1.1K 52 4
                                        

Sapphire's POV.

Bakit ba niya ginawa 'yon? Bakit? Bakit? Bakit?

'yan ang palaging kong iniisip ngayon. Pabalik na ako sa loob ng bar. Hindi ko maintindihan si Hanz. Pabigla-bigla nalang manghalik.

Iniwan ko na siya doon, ayaw kong malaman niya na ang tunay kong naramdaman. Hindi dapat. Kaya hanggat kaya ko siyang iwasan, gagawin ko.

"Aimee!" tawag ko kay Aimee. Nakaupo siya sa tabi ni Hedrix at mukhang may tama na sila.

"Oh?" nakangiti niyang wika. Namumula na rin ang kanyang mukha.

"Nakita mo ba sina Jamie?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na tinuro ang kinaroroonan ni Jamie. 

Agad akong lumapit sa kanila ni Kyle. Kanya-kanya sila ng tungga ng kanilang mga baso at kapag ubos na ay kukuha ulit.

Anyari?

"Hoy!" sigaw ko para marinig nila ako. malakas parin kasi ang music.

"Hmm.." lumingon si Kyle sakin. Halatang lasing narin siya dahil mamungay-mungay na ang kanyang mata. "K-krystal! B-buti andito ka na!" aniya habang sumisinok.

"Kyle!" asik din ni Jamie.

Kahit na naguguluhan sa sinabi ni Kyle ay umupo nalang ako sa tabi nila at kinuha ang baso ni Jamie sa kanyang kamay at tinungga ko rin ito.

"Hindi ko kasi maiwasan. I really love her, Jam. I couldn't understand why she could easily forget me," mahinang saad ni Kyle na sakto ring marinig namin.

Wala akong naintindihan sa kanila kaya inom lang ako ng inom hanggang sa nakaramdam na ako ng hilo. Gusto ko ng matulog.

Tiningnan ko sina Hanz. Kanina lang hinalikan ako, pero ngayon iba na naman ang kaniyang kahalikan. Nice!

Ang sarap isako ng kingina!

KINABUKASAN nagising akong masakit ang ulo. May mabigat ding nakadagan sa bandang tiyan ko. sobrang bigat. Dahan-dahan kong binuka ang mata ko. Medyo hindi pa malinaw ang paningin ko no'ng una pero hindi nagtagal ay naging malinaw na sakin na isang paa ang nakadagan sa tiyan ko.

K-kinginang bading! Si Hanz? Magkatabi kami?

Pagtingin ko sa kabilang gilid ko ay nandoon si Jamie. Kingina! Hindi talaga ako namamalik mata! Si Hanz nga!

"Ahh! Lumayo ka!" sigaw ko at kasabay ng pagtulak ko sa kanya.

"Ouch!/ Aray/ it's hurts!" tatlong boses akong narinig na namilipit sa sahig.

Paglingon ko kay Jamie ay nasa sahig ang bagsak niya at namilipit na siya sa sakit sa kanyang likod. Pagtingin ko kay Hanz, luhh! Hindi lang si Hanz, kundi pati si Hedrix?

So,magkatabi kaming apat?

"Hahaha! Ano 'yan? Umaga pa lang naka triple kill ka na, Sapphire?" natatawang saad ni Clyde.

"Ang sakit! Bakit pati ako nadamay?" reklamo ni Jamie at halatang ininda pa rin ang sakit ng kanyang likod.

"Ang sakit!" reklamo naman ni Hanz habang hinamas himas ang kanyang siko. Lumapit naman kaagad sa kanya si Sabrina at tiningnan niya ako ng masama.

"It's hurts, ba't ka ba nanipa kuya?" inis na tanong ni Hedrix kay Hanz.

"Not me! 'yang babaeng nasa kama ang pag-initan mo!" ani Hanz.

Ay ang kingina! Talagang kasalanan naman niya.

"Eh, bakit kayo dito natulog sa kama namin ni Jamie, ha?" tumayo ako at nilagay sa may bewang ko ang dalawa kong kamay habang nakataas ang kilay na tumingin kela Hanz.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon