Chapter 38

832 45 4
                                    

Krystel's POV.

Sa lahat ng mga pinagdaanan ni Krystal, naging malupit at masama ako sa kanya. If I had only known then, I would not have reached this point.

Umiling-iling ako dahil kahit ako mismo hindi ko matanggap ang sarili ko. Hindi ko kayang humarap sa kanila sa kabila ng nagawa ko.

"Krystel...please, 'wag mong gawin ang hindi dapat. Sana gawin mo na kung ano ang tama," Krystal said while kneeling.

How did I do anything wrong to Krystal when she was kind to me? Maybe, I'm crazy! She was right, I was no longer in the right frame of mind.

"Ano na? Magdramahan nalang ba kayo, dito? Paano na ang plano?" biglang sambit ng isa sa mga tauhan ko. Si Albert na siyang leader ng kanyang grupo.

Ibinaba ko ang baril at tsaka umiling. "Hindi na tuloy ang plano," mahina ko'ng sambit.

"Ano? Baliw ka na ba? Hindi mo ba alam na pinaikot ka lang nila, dahil may plano silang masama sa'yo?"

"Tumigil ka, Albert. Wala kang alam tungkol sa pamilya ko. Kaya pwede ba, 'wag kang makisali!" sigaw ko sa kanya. Pero tumawa lang siya ng pagak.

"Oh! Ibig-sabihin nito, kami na ang kinalaban mo?" asik niya at tinutok sa'kin ang baril. "Kung gayon, sige! Magkalaban tayo, Wala naman akong problema do'n, 'e!"

Lahat ng kanyang mga tauhan ay kanya-kanya ng tutok ng baril isa-isa sa'min.

"Albert! Tayo lang ang nag-uusap-usap. Sana naman 'wag mo'ng idamay dito ang pamilya ko!"

"HAHAHA! pamilya nga 'diba? Kaya sama-sama kayo!" sigaw niya para mas lalo akong maalarma.

Pagtingin ko kela mommy at daddy ay nakataas na ang kanilang kamay. At kitang-kita ko narin ang takot sa mata ni mommy. Habang si Jamie naman ay puno ng pag-alala at takot sa kanyang mata, si Hedrix ay nakataas lang ang kanyang dalawang kamay. Sina Hanz at Kyle ay gano'n parin ang posisyon. Walang lakas. Pagtingin ko kay Krystal, walang bakas sa kanya ang takot at pag-alala. Puno ng galit at hinanakit lang ang makita sa kanyang mata. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi niya alintana ang nakatutok na baril sa kanyang ulo.

"K-krystal..." mahina ko'ng anas.

"Ibaba niyo ang baril niyo!" buong lakas na sigaw niya.

I just saw Krystal like this. Because of that, she only showed me weakness.

"HAHAHA! Ano kami tanga? Kung pwede lang unahin ka namin, 'e! Dahil, una pa lang! Ang dali-dali mo'ng makatakas! Ang hirap mo'ng itali, alam mo ba 'yon? At ngayong hawak ka na namin, wala ng dahilan para pakawalan ka namin!" ani Albert. Dahan-dahan siyang lumapit kay Krystal at hinawakan ang kanyang baba.

"Albert! 'wag mo'ng saktan ang kapatid ko, dahil hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa'yo!" pagbabanta ko sa kanya. Pero imbes na matakot ay tumawa lang siya at kasabay ng kanyang halakhak ay ang pagsuntok niya sa tiyan ni Krystal dahilan para umubo si Krytal at napaluhod.

"KRYSTAL/SAPPHIRE/ANAK!" sabay-sabay naming sigaw.

"Don't touch her!" sigaw ni Hedrix. "You just dropped your hand on Sapphire's body, I'm sure, hindi ka na aabot sa hospital!" nanggagalaiting dagdag ni Hedrix. Tanging halakhak lang ni Albert ang marinig sa boung rooftop.

Lumapit siya kay Hedrix habang tumawa parin. "Ano? Hahaha! Pinapatawa mo ba ako? Halos hindi ka na nga makagalaw dyan, 'e!" pang-aasar nito kay Hedrix at isang pitik lang ng kanyang kamay ay may lumapit na na dalawang tauhan niya at sinimulang gulpihin si Hedrix.

"TAMA NA!" sigaw rin ni Jamie.

"Hijo! Maawa ka naman samin, babayaran kita ng malaking pera, basta 'wag mo lang kaming saktan." pagmamakaawa ni daddy.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon