Chapter 31

1K 45 1
                                        

Sapphire's POV

LUNES na at heto ako ngayon nakasakay sa kotse ni Jamie papunta sa Krystal University.

Hindi parin mawala-wala sa'kin ang mga pinagsasabi no'ng naka-usap ko sa coffee shop kahapon. Parang gusto ko tuloy alamin ang totoo ko'ng pagkatao.

"Nandito na tayo," pag-anunsyo ni Jamie.

Boung byahe pala akong tulala. Inilibot ko ang paningin ko at nasa parking lot na kami.

Sabay kaming naglakad ni Jamie papuntang gate, pero agad din akong napatigil.

"A-ano, 'to?" nagtataka ko'ng tanong.

Dahil, pagbukas ng gate bumungad kaagad sa'min ang napakalaking 'WELCOME BACK, KRYSTAL BELLAVERY' sa tarpaulin at may kasama pang mukha ko na sa tingin ko ay nasa 13 years old pa.

"I knew it," mahinang sambit ni Jamie. "Hindi talaga matahimik si Tito kapag may nalalaman siya. Hindi siya matahimik kapag walang ginawa." ani Jamie.

"A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka ko'ng tanong sa kanya.

Umiling lang siya sa'kin at ngumiti. Magpatuloy na sana kami sa paglakad nang may mahagip ang mata ko.

Sina Ynah, kasama ang kanyang mga alepores. Nakaluhod habang may hawak na 'IM SORRY, SAPPHIRE.' agad naman akong lumapit sa kanila.

"A-anong nangyari? Bakit kayo nakaluhod?"

Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko na alam.

"We knew already. Alam na namin na ikaw si Krystal." sabi ng Isa sa kanyang alepores.

"Krystal, please forgive us. Hindi ko pa gustong ma-tanggal sa school na 'to. Gusto ko pang mag-aral," mangiyak-ngiyak na saad ni Ynah.

"I'm sorry for what I've done, Sapphire---Krystal. Sorry, but please I'm begging you! 'wag mo kaming paalisin dito sa K.U--"

"Tumayo kayo." putol ko sa sinasabi ng Isa pa.

Oo, alam ko na may kasalanan sila sakin, pero hindi dapat nila 'to ginawa na para bang isa akong panginoon na kailangan pang luhuran.

"Please, please, please. I'm begging you please, I'm sorry, gusto ko pang mag-aral." Umiiyak na sabi ni Ynah habang hinawakan ako sa hita.

Marami naring nakatingin sa'min pero hindi gaya noon na palaging masama ang tingin nila sa'kin.

"Tumayo kayo, Wala akong balak na ipatanggal kayo." asik ko tsaka hinila na si Jamie. "Tara na, Jam. Hindi ko gustong makakuha ng atensyon."

PAGKARATING namin sa room ay tahimik ang lahat. Deretso ko silang tiningnan. Pati ba naman sila?

"Tingnan mo, Sapphire." bulong ni Jamie.

Tiningnan ko siya, nakatingin siya sa board kaya tumingin na rin ako. Meron ding nakasulat na 'IM SORRY, SAPPHIRE.' naguguluhan na talaga ako. Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

"B-bakit may ganito?" turo ko sa board.

Tumayo ang Isa sa kanila. "Alam na namin na ikaw pala si Krystal, kaya humingi kami ng tawad. Hindi ka dapat namin sinaktan no'ng unang araw mo palang dito." sabi ng isa sa mga kaklase namin na naglakas loob na tumayo.

Napatawa naman ako ng pagak, "ibig sabihin nanghingi kayo ng tawad sakin dahil sa ako si Krystal? Bakit, paano kung nagkakamali kayo? Paano kung ako pa rin talaga si Sapphire Soriano na binu-bully niyo? Hindi ba kayo manghingi ng tawad?"

"Humingi talaga kami ng tawad. Sorry, Sapphire. Sana hindi mo kami ipa-kick out dito sa school mo," Sabi ng isa sa kanila habang nakatungo.

Umiling ako. "Hindi ko kailangan ang paghingi niyo ng tawad kung ganito lang din. Mas masarap pang pakinggan na humingi kayo ng tawad dahil 'yon ang sinasabi ng puso niyo, kesa humingi kayo ng tawad sa tao dahil lang sa may mataas siyang posisyon," asik ko at agad na tumalikod. Pero agad din akong napatigil.

Nakatingin na sila ni Hanz at Hedrix sa board. Pagkatapos nilang tumingin sa board ay napabalik ang tingin nila sa'kin.

"H-hindi ako si--"

"Let's go." putol ni Hanz sa sasabihin ko at hinila na niya ako.


NAKARATING kami sa rooftop, masakit na ang palapulsuhan ko dahil sa malakas na pagkakahila niya sa'kin.

"What's the meaning of this?" galit niyang tanong sa'kin bago binitawan ang kamay ko.

"H-hindi ko alam, wala akong alam, Hanz! 'yong mga nakikita mo, h-hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng 'yon, wala akong alam, Hanz." maski ako gulong-gulo kaya wala akong maisasagot sa mga tanong niya.

"Stop lying to us, Sapphire---oh, your Krystal Bellavery now, ha! Kagaya ng ginawa ng lahat, hihingi na rin ba ako ng tawad para lang hindi ma-kick out, miss Bellavery?" puno ng pang-iinsulto ang bawat bigkas niya ng mga salita. "And if you think that I'm going to believe you, I'm sorry, but I can't. Your good at lying, Sapphire,"

"Hindi ko talaga alam, Hanz! Wala akong alam, at hindi ako nagsinungaling!"

"Stop! The words you say now make me feel like it’s not all true anymore! Ginawa mo kaming tanga, did you know that!" nanggagalaiting sigaw niya.

"Hindi ko kayo ginawang tanga--"

"Oh well, hindi lang kayo magaling sa pagsisinungaling, magaling rin kayong umakting. Ano pa bang inaasahan namin sa inyo? I don't really regret what I told you before,"

"Hanz, maniwala ka naman sa'kin ngayon, please? Wala akong alam, at kahit minsan hindi ka namin niloko, ni-minsan hindi kami nagsinungaling sa inyo! Wala talaga akong alam, Hanz,"

Napasabunot siya sa kanyang buhok at umiwas ng tingin. "I don't know. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa 'yan." aniya at tuluyang naglakad palayo.

Naiwan akong mag-isa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ako nagsisinungaling pero, pero bakit ganito? Bakit umabot sa punto na magkaganito ang buhay ko---Ang buhay namin ni mama.

"Welcome back, Krystal Bellavery!" dinig ko'ng sabi sa may likuran ko. Pero ang way ng kanyang pagbati ay nang-iinsulto. Dahan-dahan akong lumingon, pero agad din akong napatigil.

Nanginginig ako.

Hindi ako makagalaw.

Isang...isang babae na nakangising nakatingin sa'kin.

Pero ang mas malala...

Magkamukha kaming dalawa...walang labis, walang kulang.

My Two Step-Brother [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon