Sapphire's POV.
"S-sino ba talaga ako?" naguguluhan kong tanong sa aking sarili.
LUNES na pero gano'n parin ang naging takbo ng utak ko. Wala akong maalala, pero naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung bakit may picture kaming dalawa ni Kyle. At kung hindi ako ang babaeng 'yon, edi, sino? May kakambal ba ako? Pero wala namang nabanggit si mama sa'kin. Kung meron man, bakit hindi ko matandaan na may kapatid ako?
Arghh! Sumasakit na talaga ang ulo ko kakaisip sa mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan!
TAPOS na akong magbihis kaya agad na akong bumaba. Nadatnan ko si Hedrix na nakaupo na kaharap ang mga pagkain na tantya ko ay siya rin ang nagluto.
"Let's eat," alok niya sa'kin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti, umupo rin ako sa harapan niya, ngunit kaagad akong napakunot ng noo nang mapansin na wala si Hanz.
"Asaan si Hanz?" tanong ko kay Hedrix habang kumukuha ng kanin.
Inabot muna niya sa'kin ang kanin para hindi masyadong malayo sa'kin.
"Nauna na, he said he even fetched, Sabrina." tipid nitong sagot.
"Ah, so, ibig sabihin hindi natin makasama si Hanz ngayon?" pilit kong hindi pinapahalata sa kanya ang pagkadismaya.
"Gano'n na nga. Bakit, miss mo na ba?"
"h-ha? I mean, hindi ah! Bakit ko naman siya mamimiss?" agaran kong sagot.
"Psh, I knew it." saad niya at natatawa pa.
"Naninibago lang ako, ano ba!" pagdepena ko pa sa sarili at tinuloy na ang pag kain.
NANG matapos kaming kumain ay agad na kaming sumakay sa kotse para makapunta na sa School.
Boung byahe ay tahimik lang kami. Inalala ko parin ang kwentas. Kinuha ko sa bulsa at tiningnan ulit ang picture ni Kyle kasama ang kamukha ko.
Hindi ko naman masabing ako 'to. Wala naman kasi akong maalala na may pinagdaanan kami ni Kyle. Except nitong mga nakaraan.
"What's that?" tanong ni Hedrix, napansin siguro niya na medyo wala na rin ako sa sarili.
Agad ko namang itiniklop 'yon at tumingin sa kanya.
"Picture, kahapon ko lang nakita." sagot ko sa kanya.
"Asan? Patingin nga,"
Inabot ko sa kanya at binuksan. Nakita ko pang tumango-tango siya.
"With Kyle, ah! So, noon pa pala kayo magkakilala." aniya. Inobserbahan ko lang siya. Baka may maitutulong siya. "You look so young then," dugtong niya.
"Sa tingin mo, ako ba talaga 'yan?"
Tumango siya. "Why not? Ikaw naman talaga 'yan, right?"
"Nope, hindi ako 'yan." asik ko at umiwas na sa kanya ng tingin.
"W-what do you mean? If it's not you, who's that girl, then?"
"Hindi ko alam." kibit balikat kong sagot. "Wala akong maalala na nakasama ko na noon si Kyle. Pero pilit niyang pinaalala sa'kin ang mga bagay-bagay na hindi ko naman maalala." tumingin ako sa kanya. Nakatuon lang sa daan ang kanyang paningin. "Sa tingin mo, impossible bang nagkaroon ako ng amnesia?"
Tumingin siya saglit sa'kin. "Depende. Ikaw? sa sarili mo, may nagkulang ba?"
'Yan din ang problema. Wala akong maramdaman na may nagkulang sa'kin. Sapat na sa'kin si mama. Pero ang tanong, may alam din kaya si mama?
NANG makarating sa parking lot, ako na ang naunang bumaba. Hinintay ko pa si Hedrix na makababa rin, ngunit kaagad akong napatigil nang mahagip ko si Hanz na pinagbuksan pa ng pinto si Sabrina.
Ito na naman ang kakaibang sakit na naramdaman ko. Bakit ba nakaramdam ako ng ganito?
"Let's go?" ani Hedrix, tumango ako sa kanya. Ngunit kaagad rin siyang napatigil, nakita rin niya siguro sila Hanz.
"T-tara na, Hedrix. Baka late na tayo," nanatili lang akong nakatungo. Ayaw ko'ng makita ang dalawa. Ayaw kong maramdaman ulit ang kakaibang feeling.
"Okay,"
Maglakad na sana kami, pero agad din kaming napatigil sa paglakad nang magsalita si Sabrina.
"Let's go together!" masayang sambit niya.
Hindi ako lumingon. Ayaw ko'ng lumingon. 'wag kang lumingon!
"Sapphire, is that you?"
No choice. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko agad ang mapanukso niyang ngiti habang nakahawak sa braso ni Hanz.
Tumingin ako kay Hanz, blanko lang ang kanyang mukha. Pero na sa'kin ang paningin.
"Let's go?" Si Hedrix. Inangat ko ang tingin sa kanya at nginitian siya.
"Sige," saad ko na rin.
"MAY laro ulit sina Hanz mamaya!" anunsyo ni Jamie.
Lunch na at nandito kami ngayon sa canteen ni manang Des. Nakaramdam ako ng excitement sa narinig, ngunit pinipigilan ko ang sarili para hindi mahalata ni Jamie ang kung anong nangyari sa'kin na kahit mismo ako, naguguluhan.
"Pupunta tayo mamaya, Sapphie!" masaya nitong dugtong.
Napakagat-labi pa ako bago tumango, "sige, anong oras ba?"
"Gaya parin ng dati, ikaw Aimee? Ayaw mo bang sumama?" tanong niya kay Aimee na agad siyang inilingan.
"Sorry Jam, may gagawin pa rin kasi ako, maybe next time nalang ulit?"
"Sayang, pero okay lang din! So, tayong dalawa mamaya, Sapphie! Game?"
Tumango ako. "Sige."
TIME na ng paglalaro nina Hanz. Nakaupo na kami ngayon habang tanaw-tanaw si Hanz na nagsimula ng maglaro. Lahat ng mga manonood ay todo cheer kay Hanz.
Napangiti naman ako habang tanaw-tanaw si Hanz. Ang galing niya. Pero agad din akong umiwas ng tingin nang tumingin siya sa gawi ko at kumindat.
"Ang init!" bulong ko.
"Uy! Kita ko 'yon, ah! Tell me, Sapphire. May sinesecreto ka na ba sakin?"
"Wala, at kung meron man, ano naman 'yon?!" asik ko sa kanya.
"Aba, malay ko sa inyo!" saglit siyang tumigil. "Uy, papunta na siya rito!" tumingin siya sa dalawang bottled water sa may lap ko. "Alam ko na kung bakit dalawa ang binili mo," asik niya.
Dahil sa sinabi niya ay kaagad akong napatingin kela Hanz, at totoo nga. Papalapit na siya sa kinaroroonan namin. Tama si Jamie, sinadya kong bilhin ang dalawang bottled water para kay Hanz.
Nang makatapat si Hanz, akmang tatayo na ako nang dinaanan niya lang kami. Napahiyang tumungo ako't napakagat sa pang-ibabang labi.
Ang tanga mo kasi, Sapphire! Bakit ka ba kasi nag-assume?
Nakalimutan kong may girlfriend pala siya at iyon ay si Sabrina. Ang mas may karapatan para bigyan siya ng water. Ano pa ba ang iba kong iniisip? Na ako ang lapitan ni Hanz at ako ang magbigay ng water? Malala na talaga ako!
"Naunahan ka yata!" bulong ni Jamie sakin.
"Naunahan, kanino?" parang wala kong tanong sa kanya. Sakto naman na papalapit si Hedrix sa kinaroroonan namin kaya kaagad na akong tumayo. "Masyado ka kasing nag-isip ng kung ano-ano, Jamie. Para kay Hedrix talaga 'to," nakangiti kong saad sa kanya. Inabot ko na rin ang bottled water kay Hedrix nang tuluyan siyang makalapit sa'min. "Para sa'yo, Hedrix,"
Saglit na pinunasan ni Hedrix ang kanyang pawis tsaka kinuha ang tubig na inabot ko. "Thank you," saad niya bago ito tunggain.
Hindi ko na tiningnan pa si Hanz, baka tuluyan na niyang mahalata ang mali sa'kin ngayon. Ngunit 'di ko sinadyang mahagip siya ng aking paningin. Nakatagis ang kanyang bagang at madilim ang kanyang titig sa'kin.
Binalewala ko lang 'yon at inaya na si Jamie na umalis sa lugar na 'yon.
Kalma Sapphire, baka mabaliw ka pa!
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...
![My Two Step-Brother [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/252036696-64-k843241.jpg)