Sapphire's POV.
"Hoy! Kanina ka pa hinanap ni Tita Kristina!"
Agad akong napalingon sa kung sino ang nagsasalita. Si Jamie.
"Tita Kristina? Sino?" takang tanong ko.
Hindi ko kilala ang sinasabi niyang Kristina. Hindi rin familiar sa'kin kung sino Ang tinutukoy niya.
"T-tita, 'yong mama mo." aniya.
Kumunot ang noo ko, "Kristina? Hindi naman siya Kristina, e. Ang pangalan ng mama ko ay Sarah at hindi Kristina." asik ko.
"Tch! Basta, tinawag ka na niya. Nagsimula na ang huling mga mensahe para kay Tito Herman." aniya.
"Sige, susunod ako." sagot ko.
Saglit akong tumingin sa paligid. Halos lahat pala ng tao ay nando'n na.
Sumunod ako kay Jamie sa paglalakad. Pagkarating namin ay si Hedrix na ang nagsasalita. Mukhang tapos na si Hanz sa kanyang huling mensahe kay Tito.
"...Just, remember dad. We love you so much." ani hedrix at agad na umalis sa gitna.
Umupo ako sa tabi ni mama. Hindi ko mahulaan kung ano ang mga iniisip ni mama. Nakatulala lang siya habang tiningnan ang kabaong ni Tito. Hindi ko rin siya nakitang aktong umiyak. Hindi ko alam kung ano nga ba talagang naramdaman ni mama.
Natapos ang huling mensahe, kanya-kanya na ng hagis ng mga bulaklak. Pero, sila lang. Ang mga relatives lang ni Tito ang nagsihagisan.
"Umalis na tayo, anak." ani mama. Para bang bigla nalang siyang naging tulero. Medyo kakaiba nga talaga si mama ngayon.
"Pero, Tita, h-hindi pa natapos---"
"Mauna na kami." putol ni Mama kay Jamie. "May kailangan pa tayong pag-usapan." baling ni mama sa'kin.
Tumango nalang ako at bumaling kay Jamie.
"Mauna na kami, Jam." pagpaalam ko sa kanya.
"Hatid ko na kayo." pagpresenta ni Jamie.
"Hindi, 'wag na. May sasakyan kami." pigil ni mama sa kanya ulit.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ngunit bago pa man makarating sa sasakyan ay kaagad ko na siyang hinawakan sa braso.
"Ma, alam ko na nasaktan ka sa pagkawala ni Tito. Pero, sana Naman 'wag kang masyadong malungkot. Andito ako sa tabi niyo lagi para damayan at tulungan ka," saad ko. Tumigil si mama sa paglakad at dahan-dahang tumingin sa'kin. "Ma, promise mo sa'kin na hindi mo ako iiwan,"
"Sapphire, anak, hindi 'to tungkol sa Tito mo. May iba akong dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito." aniya na ikinagtaka ko.
"A-ano pong sinasabi niyo? Akala ko ba sobra kang nalungkot sa pagkawala ni Tito?" nagtataka ko'ng tanong. Bumitaw na rin ako sa pagkakahawak sa kanyang braso.
"Nalungkot ako, oo, ngunit hindi ko maipukos ang sarili roon dahil may iba akong iniisip. Nitong nakaarang araw ay may pilit na pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung saan galing. Nando'n ka sa mga alaalang 'yon, ngunit 'di ko naman matandaan kung nangyari ba ang lahat ng 'yon," mahabang litanya ni Mama at kitang-kita sa kanyang mata ang pag-alala. Nakaramdam rin ako ng kaba sa kanyang sinabi.
"Pero siguro lahat ng 'yon ay parte sa nakaraan natin, anak." dugtong pa ni mama na mas lalong hindi ko naintindihan ang kanyang pinupunto.
"H-hindi ko po kayo maintindihan, Ma. A-anong tungkol sa nakaraan natin? M-may dapat po ba akong malaman?"
"Anak, pareho tayong nawalan ng alaala. At sa tingin ko ay ito na 'yon, Unti-unti ng bumalik ang alaala nating dalawa sa tagal ng panahon."
Agad na pumasok sa utak ko ang sunod-sunod na mga katanungan. No'ng una kaming nagkita ni Jamie, napagkamalan niya akong si Krystal. Pati na rin si Manang Des at Kyle, kung totoo man na ako si Krystal at akin 'yong kwentas, anong meron sa'min ni Kyle? Sabi niya may nakaraan kaming dalawa, ano naman kaya? Nagmamahalan? Pero bakit 'di ko maramdaman naminahal ko rin siya?
NAG-TAXI lang kami ni mama. Nahiya naman kasi kaming magpahatid pa sa mga driver. Nahiya din ako dahil wala na si Tito. Wala na rin kaming karapatan para mamalagi sa bahay nina Hanz. Lalo na't galit siya sa'min, at na sa'min ang sisi.
Boung byahe ay naging tulala lang ako. Hindi ko na alam kung alin sa mga iniisip ko ang totoo.
Totoo ba na ako ang binabanggit nilang Krystal? O---argh! Hindi ko na alam. Mababaliw ako 'pag nagkataon!
"Anak! Andito na tayo," mahinang anas ni mama. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Una hindi ko pa masyadong naaninag, pero kalaunan ay naaninag ko narin na nandito kami ulit sa bahay nina Hanz. Parang no'ng una lang, no'ng first time ko pang makapunta dito. Ang kaibahan lang noon ay nandito pa si Tito pero ngayon, wala na siya.
"Matulog muna ako, ma." pagpaalam ko kay mama. Tumango naman siya kaya agad na akong pumunta sa taas.
Dalawang gabi rin kasi akong walang tulog kaya antok na antok ako ngayon.
Pagkarating ko sa kwarto ay agad na akong sumampa sa kama. Ang lambot, medyo na miss ko ang kama ko. Pero mas mamimiss ko 'to kapag aalis na kami.
Ngayon pa lang, nasasaktan na ako sa isiping iiwan ko 'tong kwarto na 'to. Medyo nasanay na ako sa ganito.
Maya-maya pa ay pinikit ko na ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.
NAGISING ako ng kumalam ang tiyan ko. Agad akong bumangon, kahit na medyo sumakit ang ulo ko ay bumaba parin ako.
Dumeretso ako ng kusina, patay na ang mga ilaw kaya in-on ko na ang switch. Lumapit ako sa ref, at kumuha ng tubig.
Ang kaninang antok ay nawala. Naisipan ko'ng lumabas muna. Gusto ko'ng makalanghap ng preskong hangin.
Gaya ng naisipan ko, lumabas ako. Pumunta ako sa may likod bahay na sana hindi ko nalang ginawa. Na sana, bumalik nalang ako sa kwarto at natulog. Ang sakit lang kasi.
Ang sakit lang kasi na makitang may kasamang iba ang mahal mo. Ang masaklap pa ay, mahal pa niya.
Nakahilig ang ulo ni Hanz sa balikat ni Sabrina habang umiiyak. Inalo-alo naman ito ni Sabrina.
Naalala ko 'yong gabing sa balikat ko pa nakahilig ang ulo ni Hanz. Ang sakit palang makitang nakahilig na ang ulo niya sa iba.
sana . . . sana ako nalang si Sabrina. Para kahit na anong oras, pwedeng-pwede ko'ng patahanin si Hanz.
Someone's POV.
The delicious feeling! What a pity to see her mourn! I can't say how I really felt.
Para sa'kin, kulang na kulang ang pagluksa mo Sapphire. Gusto ko pang dagdagan at dagdagan 'yang sakit na naramdaman mo. If I think you are happy, I will and will make a way to regain your happiness.
You have no right to rejoice, ako dapat! At ako lang ang dapat na magsaya, hindi ikaw kundi ako lang!
Ang sarap paglaruan ng damdamin ng taong kaaway mo. Kaso, feeling ko sumobra ata ang sayang naramdan ko ngayon. Because it got to the point where I wanted to kill her! I really wanted to see her in tears, pain and crushed. I want to hurt her! I want to convey the pain I felt before her!
"Hindi ka dapat magsaya, Sapphire Soriano, A.K.A Krystal Bellavery. You shouldn't, because I'm here, you're nightmare."
BINABASA MO ANG
My Two Step-Brother [COMPLETED]
RomantikSimpleng buhay lang ang meron si Sapphire, pero nang dahil sa pag-aasawa ulit ng kanyang ina ay naging komplekado na ang lahat. Mas naging komplekado ang kanyang buhay dahil sa kanyang dalawang Step-brother. Plus, ang kanyang tunay na pagkatao. Akal...